CHAPTER THREE

6.5K 99 3
                                    

"Carlo... sakay ka na."

Hindi na naman ako makagalaw. Hindi ko alam gagawin o sasabihin.

"Come on. It's pouring really hard and mukhang matagal pa hihina yan."

Hindi talaga ako makapagsalita. Ewan ko kung bakit parang nahihiya pa ako. Umiwas na lang ako ng tingin.

Pero nagulat ako ng bigla siyang bumaba ng sasakyan at patakbong lumapit sa akin.

"Please," sabi ni Jeffrey na parang nagmamakaawa pa. Pero ewan ko ba, umiwas na lang ulit ng tingin kahit sobrang lapit na niya sakin.

"Ahh.." sabay hawak sa kanang braso ko at pilit na hinila ako papasok ng kotse niya.

Habang hinihila niya ako at sabay kaming nababasa sa ulan papasok ng kotse niya, hindi pa din ako nagsasalita. Wala talaga akong masabi sa kanya 'non. Kahit ang mainis sa pagkaladkad n'ya sakin ay di ko magawa.

"Here's a towel," pag-abot niya sakin ng puting tuwalya. Tinanggap ko naman kaagad. Hindi ko napigilang hindi maamoy ang towel. Sobrang bango. Kasing amoy ni Jeffrey.

Napansin ko na isa lang pala ang towel kaya binilisan ko lang magpunas at iniabot ulit ito sa kanya.

"Let's go," tanong niya sakin matapos niyang mapunasan ang sarili. Tumango naman ako sa kanya.

Buong byahe namin ay nakatingin lang ako sa daan. Pansin ko ang pagbaba ng mga patak ng ulan sa bintana habang sinusundan ko ng tingin ang mga ito. Hindi kami nag-uusap. Sa sobrang katihimikan, halos yung tunog ng wiper na lang ang naririnig ko habang traffic. Tantsa kong magtatagal pa kami sa daan.

"Sorry I did that," bigla niyang sabi sakin.

Inisip ko muna kung saan siya nagsosorry, sa pagkaladkad niya sakin kanina o yung sa ginawa niyang pagpapahiya sakin.

"Di ka kasi nagsasalita eh, so I decided na hilahin ka na lang."

At nasagot ang tanong ko.

"Still mad?"

Wala akong nasagot.

"Sorry Carlo. I really am."

Iniisip ko kung anong sasabihin ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Hindi ako mapakali. Pero wala talaga akong maisagot,

Halos isang oras na din ang lumipas bago kami makarating sa lugar namin. Hindi ko alam kung pano pero alam ni Jeffrey kung saan ako nakatira. Wala naman akong nabanggit sa kanya habang magkasama kami.

Hindi pa din tumitila ang ulan. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan. Tuloy ko pa ring naririnig ang tunog ng wiper habang nakatigil kami sa tapat ng bahay ko. Napansin kong di na rin siya makatingin sa akin o makapagsalita.

Ilang saglit pa, narinig ko na lang tumunog ang tiyan ni Jeffrey.

"Shit," bulong niya.

Napatawa naman ako dahil sa lakas ng tunog. Hindi ko na napigilan. Halatang napahiya si Jeffrey ng nakita niya ang pagtawa ko. Natawa na lang din siya.

"Gutom?" Pinipigilan ko pa ring matawa ng lakas.

"Slight," sabay ngiti, kagat pa sa labi. Para siyang bata.

"Tara. Dun na lang tayo sa bahay, may pagkain naman para satin."

Dali-dali kaming lumabas ng kotse at tumakbo papunta sa bahay. Pagkapasok, pinaupo ko siya sa sofa sa sala habang pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain.

SomedayWhere stories live. Discover now