CHAPTER THIRTEEN

5.5K 72 6
                                    

Simpleng buhay. Ito lang ang gusto ko talaga. Kahit konti lang ang yaman, kahit hindi nakatira sa malaking bahay, basta masaya at kasama ang taong mahal ko, sapat na sakin yun.

Yan ang nasa isip ko habang nakahiga sa duyan sa labas ng bahay nina Mang Ador. Napakapresko ng hangin. Ang sarap lang magpahinga buong araw. Si Joseph naman ay nakahiga lang sa may damuhan malapit sakin na parang tuwang tuwa sa mga nakikita niya.

"That one looks like a rabbit. That one's a donut. That one's a boomerang"

"Ha? Boomerang? Huy ano sinasabi mo dyan. Haha" Mukhang nabaliw na ata si Joseph.

"Haha, I'm just looking at the clouds. You know, I used to do this all the time when I was younger. Watching clouds. It relaxes me."

Tahimik.

"Ayun oh, mukhang plato."

"What? Haha. Maybe you should work on your creativity sometime."

"Haha. Sorry naman, eh sa mukhang plato yung ulap eh."

Ang saya lang talaga kasama ni Joseph. Kahit mababaw lang kami mag-usap, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya.

Beep. Beep. May nagtext

At biglang napatayo sa pagkakahiga si Jospeh. "Oh man!"

"Bakit?" tanong ko naman agad.

"The Student Council will have an emergency meeting tomorrow, and the officers should all be there."

"Ha eh pano yun? Anlayo mo?"

"I don't know. Our school chancellor will attend, so I need to be there."

Nalungkot naman ako bigla nung narinig ko na kelangan umalis ni Joseph. Ang saya ko pa naman na kasama siya. Vice President kasi siya ng Student Council kaya kailangan niya talaga umattend sa meeting na yun. Bakit pa kasi nagset sila ng ganun eh weekend naman.

"Ah ganun ba?" :(

"Yeah. Sorry, I really don't have a choice here."

Alas 5 na din ng makabalik sina Mang Ador sa bahay nila. Sabay nito, nagpaalam na din si Joseph sa kanila. Nagpasalamat siya at sinabing sana makabalik pa siya sa lugar na yon. Pinabaunan naman siya ni Nanay Elisa ng mga kakanin na ikinatuwa naman ni Joseph.

Sinamahan ko si Joseph papuntang barangay hall. Parating na din kasi yung susundo sa kanya. Iba na talaga pag mayaman.

"I hate this. I'm enjoying already. Tss.."

"Okay lang yan. May susunod pa naman siguro."

"You think so?"

"Oo naman. Sa susunod na activity ng Life Club, sama ulit tayo."

"Really? That would be great!"

"Kaya smile na."

"I am smiling na" :)

"Pacute.."

"Hahaha. I am cute, what can I do?"

"Haha. Ikaw na"

Ilang minuto pa ng narating na namin ang barangay hall. Sabay nun ang pagdating ng kotseng maghahatid kay Joseph pabalik ng Manila. Nalungkot naman ako bigla ng nakita ko yun.

"So pano Joseph. Ingat ka na lang ah. Pag wala ka magawa, text mo lang ako, o magkwentuhan na lang kayo yung driver mo. Hehe.."

"Sure. But actually I will not be alone."

SomedayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant