CHAPTER EIGHTEEN

5.2K 76 26
                                    

"Ang tahimik naman dito."

"Malamang library. First time mo ba dito?"

"Obvious ba?"

"Di mo man lang namana ang pagiging book-lover ni Tita Isabelle?"

"Hindi eh. Haha"

Vacant period namin ni Jeffrey. Nasa library kami. Nagpatulong kasi siya sakin magresearch tungkol sa report sa Economics subject niya.

"Nakakaantok naman dito bestbro."

"Magconcentrate ka na lang kasi dyan sa report mo. Ang dami pa nating babasahin oh."

"Download na lang kaya ako sa net. Copy paste."

"Ano ka ba. Sayang naman ang tuition mo dito sa school na to kung wala kang matututunan. Tska Senorito, ikaw lang naman po ang future CEO ng Anthony Anderson International Enterprises.."

"Hmp. Oo na Sir Mendez. Eto na oh nagbabasa na ulit"

"Yan. Very good!"

Halos isang oras na din kami dun sa library kaya naman hindi ko siya masisisi kung tamarin na siya sa pagbabasa namin ng mga libro.

At habang nagbabasa kami, naramdaman ko na lang na nagkadikit ang mga braso namin. Magkatabi kasi kami sa isang table sa library. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa oras na yon. Hindi ko magawang ialis o maigalaw man lang ang braso ko. Ganun din naman siya. Sa puntong yun, hindi na ako makaconcentrate pa sa binabasa ko. Mas nakatuon na lang ang atensyon ko sa pagdama sa init mula sa braso ni Jeffrey. Mas lumakas tuloy ang tibok ng puso ko.

"Bestbro?" tanong naman niya bigla sakin. Agad ko namang tinanggal ang braso ko sa kanya.

"Bakit?"

"Oh? Bakit parang nataranta ka?"

"Ha? Hindi no?"

"Weh?"

"Kulit mo. O bakit nga?"

"Turuan mo naman ako dito, di ko maintindihan eh."

Habang nagpapaturo, mas lalong lumapit si Jeffrey sakin. Mas magkadikit na kami. Halos magkalapit na din ang mukha ko sa ulo niya habang pinapabasa niya sakin yung librong hawak niya.

"Here. I can't interpret this part"

Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kanya. Mas naamoy ko din ang bango niya. Kahit hapon na, ang presko pa din ni Jeffrey. Kung pwede lang, naakap ko na siya.

"Bestbro? Huy, di ka naman nakikinig eh"

Bigla siyang tumingin sa akin. Nahuli niya na nakatitig lang ako sa kanya. Nakatitig lang din siya sa mga mata ko. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, tila nararamdaman ko na ang paghinga niya, habang ako, nahihirapang huminga.

Kinakabahan na ako. Hindi ko na naiisip pa kung may nakatingin sa amin. Pakiramdam ko nga ay kami lang dalawa sa library. Hinihintay ko na lang ang mas paglapit pa ni Jeffrey sa akin. Hinihintay ko na maglapit din ang mga labi namin.

...

...

"Carlo pre!" - Christian

Tsk. Wrong timing.

Parang sabay naman kaming natauhan ni Jeffrey. Namalayan ko na lang na papaupo na din sina Christian at Ben sa table namin.

SomedayWhere stories live. Discover now