kadugtong

8 0 0
                                    


Maraming salamat dahil nagkaroon ng kadugtong ang kwentong ito.

Pero bakit ganun?

Nakuha ko ang gusto ko pero parang ayaw ko nito.

May prte sa aking masaya at nagkita tayong muli.

Ngunit di maiiwasan ang pakiramd ng puso ko na parang ayaw na kitang makita at pinandidirihan kita.

Ito ba'y dahil sa minsan mong pag-iwan sakin sa kadiliman?

O sa mga pangako mong wala namang katuparan,

O baka dahil sa sinabi mong pag-ibig na walang katapusan ngunit agarang tinuldukan sa di malamang dahilan.

Di ko alam. Di ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.

Mahal pa kita pero galit ako sayo.

Bakit pinaglalaruan ng tadhana ang mga tao?

Di ba niya alam na nasasaktan na ako?

Bakit magkahalo ang nararamdaman ko?

Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kadugtong ng kwentong ito? O tatapusin ko sa paraang alam kong masasaktan TAYO?

Teka?

Tayo?

TAYO ba ang tamang salita kung ang alam ko ay ang nagiisang masasaktan ay AKO.

Tama ako. Ako ang tamang salita dahil di ko alam kung naglalaro ka lang ba o totohanan ba.

Di ko alam mahal.

Minsan naisipan kong sabihin sayo ang wakas ng sa lahat ng paghihirap ko.

Ang salitang 'Maghiwalay na tayo dahil pagod na ako sa mga laro at mga bagay na alam kong masasaktan ako.'

Kaso bigla kang nagtino.

Nakunsensya ako sa gagawing ko.

Pa'no kung totoong totohanan na ang pinagsasasabi mo?

Baka masaktan lang kita mahal ko.

Pero nalilito ako dahil sa di malamang dahilan na parang di ako kuntento sa tabi mo.

Pero BAKA pagsubok lang ito sa pag-ibig ko sa'yo. Kaya hahayaan ko muna si tadhana na maglaro.

KwentoWhere stories live. Discover now