wakas na ba?

23 0 0
                                    

Wakas na ba talaga?

Hanggang dito na lang ba?

Hanggang dito na lang ba ang saya, hinagpis, pait, at sabik?

Wala nang ganang bumangon dahil wala ka upang bumungad sakin ng ngiting nakakalula.

Hindi ko lubos maisip kung wala ka noon.
Pero heto ngayon.
Dumating na ang panahon.

Wala na ba talaga akong magagawa?

Wakas na ba talaga ng istorya?

Hanggang dito na lang ba?


Sana pinigil ko ang puso kong mahalin ka.

Dahil sa pagmamahal ko, nararamdaman ko rin ang pait ngayon na talagang di ko na kaya.

Kailangan ba talagang magtapos ang lahat ng istorya?

Kailangan ba talagang mawala ka?

Pwede bang dito ka lang?

Pwede bang di na magtapos ang mga sandali na masaya at magkasam tayo?

Pwede bang di ka na umalis sa piling ko?

Pero alam kong si pepwede.

Di pwede.kasi tadhana na ang nagdikta sa mangayayari.

Sadyang di ka talaga pinanganak para habambuhay na makasama ko.

Pero sana man lang hinabaan muna ni tadhana ang mga panahong kasama kita.

Sana man lang maramdaman niya na kailangan kita.

Dahil mahal kita.

Mabalik tayo.

Heto na. Aalis ka na.

Ito na ang huling paalam ko.

Hindi sa mamamatay ka na.

Kundi dahil malalayo ka sakin papunta sa isang lugar na di ko kilala.

Pag napunta ka doon ay di na tayo magkakausap pa dahil sa bawal na.

At alam ko na ito na rin ang huli nating pagkikita.

Paalam na mahal. Paalam.

Di ko gustong gawin to pero kailangan.

Kailangan kong palayain ka para mahanap mo na siya.

Ang taong akala ko ay ako.

Ang taong talagang mamahalin mo.

Ang taong para sayo.


Kaya paalam na.

Hanggang dito na lang ba talaga?

Oo. Sa tingin ko wakas na.

Pero may parte ng puso ko na nagsasabing hindi pa.


Ang isang parte ng puso ko ay nagsasabing wag sumuko kasi di pa.


At kahit kaunti lang siya.

Susunod ako.

Hihintayin kita.

Sana di pa ito ang wakas ng istorya.

Sana may kadugtong pang susunod kabanata.

Para mapagpatuloy pa ang istoryang sana'y wala nang katapusan.

At hihintayin kita.

Hihintayin ko ang pagbabalik ng taong pinakamamahal ko.

Hihintayin ko ang pagbabalik ng simula.

Hihintayin ko na matapos na ang wakas at bumalik muli sa gitna.

Sana di pa dito natatapos ang kwento.

Alam kong di pa ito ang ending ng kwento.

Alam kong may kasunod pa nito.

Alam ko sa puso ko.

Alam na alam ko.

Alam ko kahit walang kasiguraduhan ito.

Alam ko kasi may tiwala ako sa puso ko.

May susunod pang kabanata.

Siguro malungkot ,

Siguro masaya.

Pero isa lang ang masasabi ko.


Di pa ito ang wakas sa kwentong ito.

KwentoWhere stories live. Discover now