Araw

6 0 0
                                    


Alam mo ang pinakaayaw ko na almusal?

Yun ay ang kinakain at nilulunok ko ang katotohanang wala ka na at di ka na babalil pa.

Sa umaga'y hinahanap ang masaya mong pagbati.


Sa tanghali'y hinahanap ang mga masasayang tawa at ngiti.


Sa hapo'y hinahanap ang mga yakap na di kayang mabili.


Hinahanap ko naman ang iyong tawa kapag gabi.


Hinihintay kita.

Kahit alam kong di na tayo muling magkakasama pa.

Sa bawat araw na lumilipas,


Ang pagmamahal ay di kumukupas.


Kahit abutin pa ako ng ilang taon sa paghihintay,


Ang puso ko'y sayo lang iaalay.


Pero paano kung ang aking paghihintay ay walang saysay.

May iba na palang laman ang puso mo at yun ay di na ako.

Di na ako.

Tama nga.

Ano pa ba ang aasahan mo sa pagmamahal ko na malayong malayo sayo?

Ano pa ba ang magagawa ng pagmamahal ko kung tayo'y di talaga pinagtagpo?

Ano pa ba ang magagawa ng pagmamahal ko kung malapir ka nang sumuko?

Hindi ba't wala?

Wala akong magagawa.

Wala na akong magagawa pa.

Dahil tadhana na ang nagdikta sa pagsasara ng libro ng pag-ibig ko sayo

Tadhana na ang nagdikta kung magkakasama pa ba tayo.

At pag tadhana na ay wala na tayong magagawa pa.

Hihintayin ko nalang ang araw na matatapos siya sa pagsusulat sa wakas ng ating kwento.

Hihintayin ko nalang na mapagod ang puso sa paghihintay sayo

Hihintayin ko nalang ang araw ng pagsuko ko.

Ang araw na alam kong ang wakas na.

Ang araw na malapit nang dumating.

Ang kailangan ko nalang gawin ay maghintay sa wakas.


Di ko alam kung masakit ba ito o masaya.

Pero alam ko na ang wakas ay darating na.

KwentoWhere stories live. Discover now