paghihintay

23 0 0
                                    

Anong masama sa paghihintay?

Yan ang lagi kong sagot sa mga tanong na di ko kayang sagutin.

Mga tanong na…" ang meron sa kanya at nakaya mong maghintay ng walang pangamba?"

Pero sa totoo lang may pangamba akong nararamdaman.

Pangambang makahanap siya ng iba at mawala ako na parang bula sa mga alaala niya.

Di ko alam kung bakit?

Bakit ko pa hinihintay ang taong walang kasiguraduhan kung darating pa ba.

Kumukontra na ang isip ko.

Sinasabi niyang" bitaw na" ngunit isang porsyento ng puso ko ay nagasasabing "kapit lang muna't darating siya." alam kong darating ka ngunit talagang ang sakit na.

Ang sakit na isiping baka umaasa lang ako sa wala.

Sinarado mo ang pinto ngunit isasarado ko parin ito at ibibigay ang susi sayo.

May ibang kumatok kaso di ko pinapaso kasi siya ay hindi ikaw.

Magkaiba kayo.

Magkaibang magkaiba.

Marami pa ang mga gustong pumasok kaso talagang nasa ito ang susi pero may susi rin ako kaso mas pipiliin kita kesa sa libo libong lalake na gwapo nga laso di mo tulad maginoo at may katangian ka pa na di ko alam pero parang dahil kung bakit ikaw ang minahal ko.

At yun ang hihintayin ko.

Ang pag kataong hahanap hanapin ko.

Di magtatapos ang kwento dito.

Ngunit ipagpapatuloy pa ang pagsusulat ng kwento ng pagmamahal ko sayo.

Hindi pa natatapos ang manunulat sa pagiisip sa mangyayari sa kwentong ito.

Pero alam kong may kadugtong ang pagtatapos na nangyari kamakailan lang.

At yun ang hihintayin ko.

Ang maipagpatuloy ang kwento na masaya ang simula at gitna.

Sana masaya din ang wakas na pareho sa mga kwentong pambata na pinakasalan ng prinsepe ang prinsesa at nabuhay ng masaya.


Alam kong walang masayang wakas kaso ang maikasal lang sa prinsepe sa kwento ko ay isa nang masayang pagtatapos na hinahangad ko.

-------------------------x------------------------

Guys uhm alam nito ba na totoo lahat ng tula ko? Pinagdaanan ko talaga. Uhm eto kasi... May hinihintay akong lalake na bumalik. Kaya eto ako. Oo aaminin ko na nagkaron ako ng ibang bf kaso... Wala na kanila ang katauhang ang lalakeng hinihintay ko lang ang meron.

KwentoWhere stories live. Discover now