di ko alam

3 0 0
                                    

Ewan ko ba kung bakit ba kita di nalilimutan.

Ilang segundo

Minuto

Oras

Linggo

Buwan

Taon

Ang hinintay ngunit di ka parin maalis sa isipan.

Paano?

Paano ka ba maalis sa aking alaala.

Sinubukan ko nang humuling sa panginoon.

Magdasal sa poon,

Pati paghiling sa mga bitwin ay ginawa ko na

Kaso bakit? Bakit di ka mawala?

Bakit hanggang ngayon iniisip parin kita?

Bakit ako naghihintay pa?

Bakit mahal parin kita?

Tama ito yung tamang tanong sa ganitong sitwasyon.

Bakit mahal parin kita?

Di ko alam.

Kahit ako ay di ko maisip kung ano ang nararamdaman ko at di ka magawang isantabi muna.

Di ko alam kung bakit lagi ikaw ang inuuna.

Di ko alam. Sadyang di ko alam

Patunay lang siguro ito na di pa kita dapat kalimuta dahil may kadugtong pa ang kwento na hindi pa nalilimutan.

At kailan man ay di ko malilimutan.

Dahil ikaw.

Ikaw ang nagturo sakin kung paano makisama.

Ikaw ang nagturo sakin pano lumigaya.

Ikaw ang nagturo sakin pano magmahal ng kusa.

Ikaw.

Di ko alam kung pano mo naturuan ang halimaw sa loob ko na bumait at magmahal.

Sadyang wala talaga akong alam bakit nananatili ka pa sa puso ko ng ganito katagal.

Gusto na kitang alisin ngunit gabi-gabi ay dinadalaw ng mga alaala mong matatamis na may kasamang pait.


Alaala na kailan man ay matatandaan ngunit dahil sa sakit ay gusto ko nang kalimutan.

Sana nga.

Sana nga malimutan ko na.

Pero hanggang ngayon...

Hanggang ngayon, hinihintay ko parin ang wakas na alam kong malabo nang dumating at alam kong masakit ang pagtatapos dahil mawawala ka sa aking piling.

Di ko alam bakit pa ba ako naghihintay.

Di ko alam kung bakit di kita malimutan.

Di ko alam bakit mahal parin kita.

Siguro ito yung mga tanong na di ko alam ang kasagutan hanggang sa muli tayong magkakasama.



KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon