masaya

18 0 0
                                    

Saya.

May dalawang klase ng saya.

Ang pekeng saya na may tinatago
At totoong saya na nararamdaman ko pag magkasama tayo.

Ang saya kong nararamdaman ay pareho.

Peke ang mga ngiting ito na nagtatago lamang ng mga lungkot, pighati, at pag-aalala sa puso dahil baka maya maya ay matapos ang SAYA na nararamdaman ko ng lungkot at pagkamuhi.

Totoo. Dahil di ko pinepeke ang bawat nararamdaman ko. Sa di malamang dahilan, masaya ako pag magkasama tayo.

Ang saya nating dalawa.

Walang pake sa sinasabi nila.

Nagsasayang parang walang bukas sinta.

Pero nasaan na yun?

Nasaan na ang bawat ngiti at SAYA na nararamdaman nating dalawa?

Simula nung umalis ka ay nawala na.

Wala nang SAYA.
Wala nang tawa.
Wala nang ngiti.
Wala na...
Wala ka na.

Wala na ang lahat ng pangako

Wala na lahat nang pangarap
Kasamang naglaho ng Galak at tuwa.

Ito na nga ang sinasabi ko eh.

Ito na yun.
Malapit na ang pagtatapos.

Nagbago na ang ihip ng hangin

Akala ko masaya lang tayo.
Magkahawak lang tayo.
Nagtatawanan lang tayo.
Palagi.

Pero mali!

Mali ako!
Hindi lang pala puro saya at tuwa.

Darating pala yung pagkakataon na mawawala ang lahat. Mawawala ka.

Dapat tinandaan ko na sa bawat pagsikat nang araw, darating din ang paglubog nito.

Sa bawat pagsibol ng isang halaman ito rin ay malalanta.

Sa bawat pagpatak ng ulan, ito din ay huhupa.

Dapat inisip ko na sa may pagtatapos ang bawat simula.

Tapos na ang saya.
Tapos ka na.
Tapos na tayo.

Di na ako masaya kasi wala ka na.

Pero hihintayin ko ang panahon na babalik ka.

Ang panahon na hinihintay ko at patuloy ko pang hihintayin

Ang panahon na tayo ulit dalawa.

Ang panahon na muli akong magiging masaya.

KwentoWhere stories live. Discover now