wakas

52 0 0
                                    


Mahal.

Dumating na ang wakas na ating hinihintay.

Dito na magtatapos ang sakit, pighati, luha at kalungkutan.

Ngunit kasama di nitong maglalaho ang saya, tawa at pagmamahal na di matutumbasan ng kahit ano paman.

Akala ko ay hanggang sa pagtanda makakasama kita.

Akala ko ikaw ang makakasama kong humarap sa altar.

Akala ko masaya ang pagtatapos ng kwentong pilit kong hinitay ang wakas.

Akala ko kung maghihintay ako darating ang masayang wakas ng kwentong ito.

Kaso nagkamali ako.

Ito na ang wakas

At di ito masaya.

Di na tayo magkikita.

Di na tayo magkikita dahil pinatunayan ng mundo na tutol silang lahat sa pagiibigan na mga tala ang pagitan.

Nagsimula tayo sa pagiging estranghero at magtatapos tayo sa pagiging estranghero.

Pinaasa ko lang pala ang sarili ko na magkakaroon ako ng masayang wakas kasama ka.

Kaso hindi pwede kasi pati ang panginoon at langit ay humadlang sa ating dalawa.

Patunay lang ito na di tayo para sa isa't isa.

Na may tao pa na para sa ating dalawa.

Akala ko nung magkahiwalay tayo ay pagsubok lang ito at magkikita pa ulit tayo.

Kaso hindi pala.

Akala ko gumagawa pa ng masayang wakas ang tadhana para sa ating dalawa

Kaso hindi pala.

Yun na pala ang wakas.

Natapos na pala ang kwento sa ganung paraan na hindi ko man lang nalalaman.

Sana talaga ay di ko nalang iniasa ang puso ko sa isang estranghero na di ko naman talaga kilalan ang pagkatao.

Ang tanga ko.

Kulang nalang lagyan ko ng signboard ang ulo ko na nagsasabing 'tanga ako wag tularan'

Pero alam ko na.may gagaya at susunod sa mga yapak ko na pang baliwan.

Kung mababalik ko lang ang panahon,

Pipiliin ko na hindi la na lang makilala kaso nangyari na.

Di na maibabalik pa ang katangahan na nagawa.

Kaya kung may nagbabasa ng tulanh ito,

Kung umaasa ka rin sa isang tao, san isipin mo.

Baka mamaya umaasa ka na may kadugtong pa ang istorya niyo.

Wag kang tanga.

Wag kang maging hangal.

Baka akala mo ikaw lang ang mahal niya kaso may iba pala.

Akala mo magkikita pa kayo kaso nagkakamali ka.

Akala mo mahal ka pa niya pero may ibang laman na pala ang puso niya at ikaw nalang yung umaasa sa wala.

Kaya sana wag na tayong maging tanga.

Sana wag na tayong umasa sa mga bagay na walanh kasigiradun

Kasi sa huli tayong mga tanga lang din ang masasaktan

At patuloy paring umaasa sa wakas na hinihintay ng walang katapusan.

Pero pag nagkita tayong muli sa hinaharap,

Mamahalin kita ulit. Kaya mahalin mo rin ako.

Mamahalin kita sa paraang wala nang makakapigil pa.

At gagawa tayo ng wakas ng kwento na mas maganda pa dito.

▪◾◼⬛◼◾▪◾◼⬛◼◾▪◾◼⬛◼◾▪

A/N

Tapos na po siya. Tapos na ang kwento na hindi ko alam kung kwento ba talaga o mga tulang gawa ko.😂💯

But siguro di pa dito natatapos ang kwento.

Baka may susunod pa? Okay.

May susunod pa pero I'm not sure if it's sad or jolly.

Basta alam kong may kadugtong pa.

May kadugtong pang mas masayang wakas ang kwento naming dalawa.

KwentoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu