"Eyyyy guys, meet noona..?" sabay lingon sa akin at naghihintay ng sagot.

"Ahhh, ne, Chai. Chai Park! Nice to meet you all! Dito lang sa kabilang unit kami nakatira.." bati ko sa kanilang lahat.

"Wow! Kayo yung nagbigay ng masarap na rice cake last Chuseok?" sabi naman ng pinakamatangkad sa kanila.

"Ahhh, ehh. Nehh, my eomma made it." nahihiya kong sagot.

"Wow. Kaya pala masarap! Anyway, noona, 'di pa pala kami nagpapakilala.. I'm Taehyung. Pero V ang screen name ko..". Ahh, siya pala yung nakausap ko dati.

"Jimin! I'm Jimin! Nice to meet you noona!" masayang bati sa akin ng nasa likod ni V.

"I'm your hope, J-Hopeeee!!" sabay ngiti sa akin. "Here is Jin. Siya pinakamatanda sa amin. Hehe." katapos ay inakbayan niya ito. "Annyeong!" ani ni Jin at kumindat pa ito.

"I'm the maknae! Jungkook!" sabay yuko. "And I'm Rap Monster, but you can just call me, Nam Joon.. And I'm the leader of the group." sabay nakipag-shake hands sa akin.

"Oohh, nice to meet you all."

"Wait, where's hyung?" sabi ni Jungkook. At tumingin-tingin sa paligid.. "Hyung! 'Di ka pa nagpapakilala kay noona! Sorry ah, mahiyain kasi 'to. Hehe." sabay hatak sa lalaking nasa likod ni Nam Joon.

"Suga.. Tara na, kanina pa tayo inaantay sa baba.." sabi niya ng hindi nakatingin at nauna nang humayo pababa. Ehh? Ang sungit naman 'nun..

"Hyung! Wait!!!" sabi ni Jungkook at hinabol niya ito.

"Noona, hayaan mo na 'yun. Hyung is always like that." sabi sa akin ni V ng nakangiti.

"Ahhh, de okay lang 'yon. Sige una na din ako ah, may klase pa kasi ako. Bye! Nice meeting you all again!"

"Bye noonaaa!"

"Bye Chai! Take care!"

Nagmadali akong bumaba at naglakad sa sakayan ng bus.

"Naku, sana 'di ako malate sa usapan namin ng group.."

Matiyaga akong naghintay ng bus nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

Jong Suk: Nasaan ka na Chai? Malapit ka na ba?

Reply: Ito na, pasakay na ng bus.

Aigooo. Malalate pa ata ako nito. Sana huwag naman. Dumating na rin ang bus at sumakay ako agad.. Nakarating din ako ng sakto sa meeting place namin.

"Chai!!" Nakita kong nakaupo sa bandang kanan si Jong Suk at kumakaway. Ngumiti ako at lumapit.

"Kala ko malalate ka, alam mo naman baka magalit si Krys." bungad na sabi ni Jong Suk sa akin.

"Pero 'di naman ako nalate eh." nakatawa kong sagot sa kanya.

"Oh heto, yung favourite mo. Coffee latte." sabay abot sa akin.

"Uy salamat! Libre ba 'to? Hehe" tukso ko sa kanya.

"Sige na nga! Ayan ka na naman sa pagpapa-cute mo eh! Nadadaan mo na naman ako dyan eh!"

"Thank youuu! Hehehe. Next time, ako naman manlilibre!"

"Sabi mo 'yan ah!"

"Oo naman! Ohh ayan na pala sila. Tara naaaa."

Nilapitan namin sila at humayo na kami sa location ng shoot namin.

-

Maganda ang location na napili ni Krys. Maraming puno ang lugar at may lake sa tabi.

"Chai, magstart na tayo? Ano okay na ba yung model? Naayusan na? Papuntahin niyo na doon kay Chai." utos ni Krys.

Mabait at matalino si Krys. Ayaw niya lang talaga na may nalalate o hindi nasusunod sa plano niya.

"Okay, are we good? Let's start the shoot! Oh Chai, ikaw na bahala ah. Alam mo naman na yung mga binilin ko."

"Oo sige Krys... Okay, look here! One, two, three! One more..."

-

Natapos ko rin ishoot ang limang models namin. Hay. Nakakapagod. Pero okay lang, masaya naman ako sa ginagawa ko.

"Okay guys! That's a wrap!!! Thank youuu!!!" sigaw ni Krys.

"Ayos! Tapos na ang shoot." ani ko sa aking sarili.

"Kape after?" alok sa akin ni Jong Suk na biglang lumitaw sa likod ko.

"Yes, definitely!" walang pag-aalinlangan kong sagot.

Nagpaalam na kami sa iba pa naming kasama at kami naman ni Jong Suk ay dumiretso na sa malapit na coffee shop.

"Sagot ko na. Cafe Americano?" agad kong bungad kapasok namin.

"Yup! Sige hanap na ako ng mauupuan natin. Akin na rin yang gamit mo. Dalhin ko na.."

Katapos ko um-order ay pinuntahan ko na kung saan nakaupo si Jong Suk.

"Heto na po ang kape niyo, sir." pabiro kong sabi.

"Thank you Chai."

"Kino-copy ko na pala mga photos from the shoot kanina. Need ko ng gawan ng teaser eh."

"Onga pala, binilin rin yan ni Krys. Naku salamat Jong Suk. Buti na lang ikaw naka-partner ko dito. Kung 'di dami kong 'di magagawa."

"Wala 'yon, sus ano ka ba. Ikaw pa."

Grabe, Lord salamat dahil binigyan niyo po ako ng isang mabait na kaibigan.

Matagal ko nang kaibigan 'tong si Jong Suk. Noong 1st year college kami nagkakilala (2010). 2nd semester 'nun at transferee siya. Naging ka-group ko siya sa isang project at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Palabiro at makulit 'tong si Jong Suk. Pero kapag interesado siya sa isang bagay eh, nagiging seryoso siya.

"Ohh, tapos ko na icopy lahat." sabay abot sa akin ng memory card ko.

"Alright. Tara na?" aya ko sa kanya.

"Okay, hatid na kita hanggang sa inyo, Chai. Gabi na rin at baka mapano ka pa.."

"Ano ka ba, hindi na. Okay lang ako. Kaya ko naman sarili ko."

"Ayy naku. Huwag ka nang makulit. Tara naaa."

-

"Salamat sa paghatid ah. Ingat ka pauwi Jong Suk!!" habang kinukuha ko sa kanya ang nga gamit ko na bitbit niya.

"Sige, una na ako ah. Pasok ka na ah." sabi niya habang kumakaway palayo.

"Oo na. Sige naaa. Bye!!"

Nandito na ako sa tapat ng building namin. Aakyat na sana ako ng maaninag ko na may nakatayo sa may hagdan. Naka-earphones at nakasandal sa pader. Nakaputing tshirt at naka-beanie.. Wait si Mr. Sungit ba 'yon? Kakaiba talaga 'tong si sungit. Iba din ang trip eh no. Nagssoundtrip mag-isa sa hagdan.. At dahil pagod na ako, 'di ko na siya pinansin. Aakyat na sana ako ng hagdan ng bigla siyang nagsalita..

"Next time, just say it when you want a picture of me, Chai.."

Let Me Photograph You (BTS Suga) ▶ ON-GOINGWhere stories live. Discover now