PROLOGUE

54 4 2
                                    

August 19, 2011

"Chai! Bumili ka nga ng sibuyas at bawang."

"Arraso, eomma. Wala ka na po bang ibang ibibilin?"

"Wala na, sige na. Bili ka na at para makaluto na ako ng tanghalian."

Pinatong ko lang ang jacket ko sa t-shirt at track pants na suot ko, sinuot ko na lang ang una kong mahablot na sapatos sabay alis. Kababa ko ay bumungad sa akin ang malakas na hangin.

"Brrrr. Grabe, ang lamig na nga.." kasabay ng paghipan ko sa aking mga palad.

Nasa kabilang kanto pa ang tindahan kaya naman nagmamadali akong maglakad. Kadating ko sa tindahan ay nakita ko agad ang pinapabili ni eomma. Dumampot ako ng tig-dalawang sibuyas at bawang at dinala na sa cashier. Nagbayad ako at agarang umalis. Nagugutom na rin ako kaya gusto ko na ring makapagluto si eomma. Nakabalik na rin ako sa building namin, habang paakyat ako ng hagdan, nabunggo ako ng lalaking naka-earphones.

Singkit, maputi, naka-itim na long sleeves, may suot na snapback na may nakalagay na BULLS, at naka-itim na pantalon.

"Mianhe." sabay yuko at dumiretso na sa pagbaba.

Hmm.. Ngayon ko lang siya nakita ah? May bagong lipat ata sa building namin? Kung sa bagay, 'di naman lahat ng umuupa dito ay nakita ko na, kahit ilang taon na rin kaming nakatira dito. Nakadating din ako ng bahay at dali-dali kong inabot kay eomma ang pinabili niya.

"Ma, may mga bagong lipat ba dyan sa kabilang unit?"

"Ahh, oo. Last week lang sila lumipat. Grupo ng mga lalaki ata ang nakatira dyan. Bakit?"

"Wala naman ma. Nakasalubong ko ata yung isa sa kanila kanina habang paakyat ako.. Sige ma, mag-aayos na rin ako niyan para diretso alis na ako katapos kumain."

Dumiretso na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa school. Isa na namang mahabang-habang araw 'to, Chai...

September 30, 2012

"Yaahhh. Unnie, unnie. Gising na dyan uy. Chuseok na ngayon. Gising ka na daw at kakain na tayo. Dali, bangon ka na dyan ah?"

"Oo na, oo na Mich. Sige susunod na lang ako.."

Oo nga pala, Chuseok ngayon.. Ang bilis ng panahon. Inalis ko na ang kumot na nakayap sa akin at umupo sa gilid ng kama.

"Uhm!!" sabay unat. "Nakatulog na naman ako kagabi. Hay. Natambakan tuloy ako ng mga gagawin. Mamaya ko na lang 'to tatapusin, promise!"

Lumabas na ako ng kwarto at nakita na nakaupo na si eomma at Mich sa hapagkainan. Ang dami na namang pagkain!

"Chai, ihatid mo muna itong rice cake sa kabila. Bigyan natin sila."

"Ma naman eh. Kain muna ako.."

"Sige na, dyan lang ohhh." Inabot na sa akin ni mama ang isang plato ng rice cake. Agad ko naman itong kinuha. Hinawakan ko muna ito gamit ang aking isang kamay at hinawi ang buhok ko gamit ang kabila kong kamay.

"Okay na 'to. Dyan lang naman at gusto ko na rin kumain. Aish."

Binuksan ko na ang aming pinto at naglakad patungo sa pinto ng kapitbahay. Pinindot ko ang door bell ng dalawang beses. Hanggang sa naririnig ko na nag-uusap sila kung sino ang magbubukas ng pinto. Pinindot ko ulit sa pangatlong pagkakataon, at sa wakas, may nagbukas na rin ng pinto.

"Ahhh, annyeong!" bati sa akin ng lalaking bagsak ang buhok at mukhang mas bata sa akin.

"Annyeong! Uhm, dyan kasi ako nakatira sa kabilang unit. My eomma made this." ani ko habang nakangiti.

"Ahh-ahh, kamsahamida noona!!" sabay yuko ng lalaking kausap ko.

"Yaahh, Taehyung!!! Sino ba yan? Tara na at aalis na tayo. Magready ka na!" sigaw pa ng isang lalaki sa loob.

"Jeongmal kamsahamida noona!" sabay pagyuko ulit ng kausap ko.

"Sige sige, wala 'yon. Happy Chuseok!" yumuko rin ako at lumiko na para bumalik ng bahay.

Mukhang marami ata silang nakatira doon.. Anyway, nagugutom na ako at dali-dali kong binuksan ang pinto ng unit namin.

"Naibigay mo ba Chai?"

"Oo ma."

"Ohhh halika na dito at kumain ka naaa."

Ang daming niluto ni eomma ngayon at sobrang nabusog ako.

"Wahhhh. Busog na busog ako ma. The best ka talaga magluto!"

"Naku, nambola pa!" sagot niya habang tumatawa.

Tinabihan ko ang kapatid ko sa pag-upo sa sala at nanood ng tv nang bigla akong kinalabit ni Mich.

"Unnie."

"Oohh?"

"Nakita mo na yung nakatira dyan sa kabila? Pogi ba sila? Wahhh!"

"Aba bakit? Bata ka pa Mich ah. Crush crush lang muna ah!"

"Oo naman unnie! Hehe. Balita ko kasi mga undertraining 'yang mga kapitbahay natin! Future kpop idols sila!"

"Ganun ba? Sabagay, yung nakausap ko kanina na pinag-abutan ko ng rice cake, cute siya.."

"Talaga? Waahhh, grabe. Kailan kaya sila magdedebut? Naeexcite ako para sa kanila!"

"Sus hayaan mo na sila. Matagal ang pagttraining nila 'di ba? Kaya matagal pa sila dyan."

"Oo nga unnie! Sana makasalubong ko sila minsan."

March 9, 2013

"Ma, alis na ako ah. Malalate na ako sa klase ko. Sige ma, bye na. Love you!" sabi ko habang bumebeso kay mama at nagmamadaling umalis.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Inayos ko ang aking bag, at maingat na bitbit ang aking camera. Dumating na ako sa pinakababa ng hagdan at may nakita akong lalaking nakasandal sa may pinto. Naka-earphones, nakapikit at nakalagay ang kanyang kamay sa loob ng bulsa ng hoodie niya. Naanigan ng araw ang kalahati ng kanyang mukha.. 'Di ko mapigilan at kinuha ko ang camera ko at in-adjust ang lens para magfocus sa kanyang mukha..

Pagkatapos ng isang kuha ay binaba ko na ang camera ko at naglakad na ako palabas ng pinto ng building namin.

Habang naglalakad ako papunta sa antayan ng bus ay naalala ko na naman ang mukha ng lalaki kanina.

"Sino kaya 'yon? Malamang eh, nakaupa rin sa building namin. Pero bakit kaya siya mag-isa 'don?"

Tinignan ko ulit ang kuha ko sa camera.. Parang seryoso siya dito at may malalim na iniisip. Napaka-mysteryoso ng dating.. Bumigat ang dibdib ko habang tinitignan pa rin ang kuha niya. Naisip ko..

"Ano kayang pinapakinggan niya?"

Let Me Photograph You (BTS Suga) ▶ ON-GOINGWhere stories live. Discover now