Simula

19 0 0
                                    


Di ko alam san nagsimula ang kwentong ito. Pero susubukan kong alalahanin.

Nagsimula lang tayo bilang mga estranghero sa buhay ng isa't isa.

Di mo ako kilala.
Di ko alam kung sino ka.

Isa akong pasaway na bata.
At pinapagalitan ako ni mama.

Ngunit ang isang estranghero ay naging karamay ko.

Naging malapit ka sakin pero di ko alam sa kung anong paraan.

Nakilala mo ako.
Para sakin ay di ka na estranghero.

Siguro dito nahsimula ang kwento.

Sa pagiging malapit ko sayo.

Pero may namumuo sa kalooblooban ko na di ko mailabas.

Ayaw konh maging malapit sayo kasi baka mapamahal ka sa akin at pag nawala ka na ay magiging sanhi pa ng kalungkutan ko.

Pero ang pagpigil sa nararamdaman ay lumala.
Ginusto na kitang laging kasama.

Ayaw na kitang mawala.

At oo.
Minahal na nga kita.

At sa tingin ko dito nagSIMULA.

Dito nagsimula ang kwento.
Sa katangahan ko.

Dito nagsimula ang kwento ko na di ko alam kung meron ba talagang masayang wakas.

Di ko alam kung kailan matatapos.
Pero di ko rin alam kung san nagsimula.

Ang hirap naman kasi intindihin ng pag-ibig.
Magsisimula pero di mo alam kung tatapusin ba na masaya o tatapusin sa paraang luluha ka.

KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon