Chapter 17

3.6K 109 11
                                    

PUSH him away, Rea. What the fuck are you doing?

Her brain is powerless. Kahit anong sigaw nito ay hindi nakikinig ang buo niyang katawan. Ang palad ni Mikael ay nasa batok niya. iniengganyo ang kanyang mga labi na tumugon. She tried to resist, but it lasted only for three seconds. Soon she allowed him to devour her mouth as she willingly answered his kisses. Mikael's mouth is hard and hot on hers. Just like before. Just like when they were still together.

Pero may mahal na siyang iba, Rea. Hindi na ikaw ang mahal niya.

With all her might, she pushed Mikael to free herself from his lips. "M-Mali ito."

Bahagyang umatras si Mikael sa kanya. "Yeah... But I'm not sorry."

Me too. I'm not sorry.

"Have you read the book?"

Umiling siya. That Oddysey book. Iyon na lang yata ang natira sa mga gamit niya na mula kay Mikael. Hindi pa rin kasi niya magawang basahin ang libro.

"Stubborn woman." He hissed. Pagkasabi ay tumalikod ito at tila aalis na.

Looking at Mikael leaving made her realize one thing. Hindi nawala ang pag-ibig niya rito. Sabihin nang hibang siya. Pero masaya siya sa pinapakita nitong pag-aalala sa kanya. It brings her a hint of hope that deep inside Mikael must have longed for her. Must have remained in love with her.

He said he wasn't sorry about the kiss.

Could it be?

Maaari kayang napagtanto nitong hindi pala nito mahal si Jessica? Na ang apat na taon pala nilang pinagsamahan ay hindi nasayang? Maaari kayang gagawa na ito ng paraan upang magkabalikan sila? Ang halik na iyon ay isa bang patunay ng pag-asa sa relasyon nila?

She caught her breath when Mikael stopped walking and gazed at her.

"Rea..."

Magtatapat na kaya muli ito?

"Yeah..."

Does he still love me?

"Don't tell anyone about the kiss."

Yeah, right... Fuck hoping.



"ANONG gusto mong kainin, Rea Karen Rivera?"

Pinapaandar ni Rea ang stereo ng kotse nang batuhin siya ng tanong ni Lynn. Nagmamaneho ito ng kotse habang siya naman ay nakaupo sa passenger's seat.

"Kahit ano." Walang gana niyang sagot.

"Wala namang pagkain na 'kahit ano' ang pangalan." Tumatawa si Louie na nakaupo naman sa backseat.

Gamit ang perang kinita noong nagdaang araw ay napagdesisyunan nilang kumain sa labas. Besides, she needed air. Kailangan niyang makawala sa ala-ala ng halik na iniwan ni Mikael.

"Alam mo, Louie, walang pili sa pagkain si Rea. Kaya mas mabuti pa kung mag-Korean restaurant na lang tayo."

"Eh, mukhang mas masarap kumain ng Italian food ngayon. Italian food na lang."

Bakit nga ba mahal kita kahit 'di pinapansin ang damdamin ko? 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako nagmamahal nang tapat sa 'yo?

"Hay naku! Mas masarap nga ang Korean food. May alam ang Korean restaurant. Doon na lang tayo."

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesWhere stories live. Discover now