Chapter 3

3.6K 122 2
                                    

Pasensya na po sa tagal ng update. Busy po talaga masyado ang lola niyo. HAHA. SALAMAT sa paghihintay. Comments and votes are much appreciated!


SAMPUNG araw, tatlong oras at tatlumpong minuto na mula noong maghiwalay sila ni Mikael. She's still hurting inside pero pinipilit niyang mag-move on.

At ngayong alam na niya ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan ng hinayupak na lalaki ay mas mabuti na nga sigurong tuluyan nang putulin ang anumang natitirang koneksyon nila. And it is her five percent stocks at Vittorio Wines and Spirits.

When she received her inheritance from her maternal grandmother, minabuti niyang i-invest iyon sa kompanya nina JJ at Mikael. It was a wise decision then kasi nobyo niya noon si Mikael. Pero ngayon ay wala na siyang dahilan upang ilagay pa ang pera sa kompanya nito. Mas matutuwa pa siya kung ii-invest niya ito sa St. Peter the Apostle Rehabilitation Center.

Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin ng comfort room ng Vittorio Wines and Spirits building. Dumaan talaga siya roon upang i-check ang hitsura niya. She wanted to know if her make-up and new deep red hair are in place. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapasyal sa salon dahil sa busy schedule sa rehab. So why not take the chance to pamper herself?

Ang sabihin mo, ayaw mo lang magmukhang losyang sa harap ni Mikael at Jessica.

Bukod sa kailangan niyang kausapin si JJ tungkol sa mga stocks, kalakip na rin sa plano niya ang i-redeem ang sarili. Hindi siya magpapakita sa mga mga tao mukha siyang depressed. Also, she has at least to make Mikael see what he just lost.

Wearing a checkered pencil skirt and elegant black dress, she was about to make her way out of the elevator when someone dashed in. Hindi man lang ito nag-excuse nang muntik na siya nitong banggain. She calmed herself and decided to let go of that woman's rude attitude. Lalabas na sana siya nang marinig itong nagsalita.

"Hello, Mikael?"

Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa babae. Napasinghap siya nang mapagsino iyon.

Jessica.

Humagikgik ang babae na tila ba nakikiliti ito. "Oo na, paakyat na ako...Na-miss mo ba ako agad kaya ka napatawag, babe?"

Babe? Ano kayo...mga biik?

At hindi man lang nito napansin ang presensya niya! O baka nagmamaang-maangan lang itong hindi siya nito nakita?

Nabubwisit na talaga siya sa babaeng ito!

She suddenly wants to get out from there. Hindi niya gusto ang huminga sa parehong hangin ng babaeng ipinagpalit sa kanya ni Mikael. Pero kahit anong pilit niya sa sarili ay naroon pa rin siya at bukas na bukas pa rin ang mga tenga sa pakikinig.

"Alam ko mahal na mahal mo 'ko..."

Haliparot! Magsama kayong mga taksil!

"Hmmm...Siguro hindi ganito ka-sweet ang ex mo ano? Di bale, paliligayahin kita hindi tulad ng walang kwenta mong, ex na si Rea. Mabuti na nga lang at hiniwalayan mo siya para maging official na ang relationship na tinatago natin for the past months."

Pakiramdam niya ay binomba siya ng nuclear weapon sa tindi ng narinig niya. And did she just hear her name on that insolent woman's mouth?

Girl, tinawag ka pang 'walang kwenta'!

Iyon na yata ang pinakamasakit na insultong natanggap niya sa buong buhay niya. At hindi lang iyon. It's finally clear to her, matagal na siyang niloloko ng mga ito. Those two were already in a relationship even before Mikael broke up with her.

Oh how she wanted to pull the bitch's hair. Balatan ito nang buhay, ipakain sa mga piranha at painumin ng muriatic acid. And how the hell could that bitch say such offensive words against her? Siya na nga ang inagawan, siya pa ang masama?

Shaking, she immediately faced the woman para komprontahin ito. Pero biglang bumukas ang pinto ng CR at pumasok roon ang ilang babaeng employee ng kompanya.

Namumuti na ang kanyang kamao at gustong-gusto na nitong mag-landing sa mukha ni Jessica pero nagpipigil lamang siya. She won't make a scandal. Ayaw niyang masira ang pangalan niya at career niya bilang doktor.

Ilang sandali pa ang kanyang hinintay bago lumabas na ito mula sa CR. At nang masigurong wala na masyadong tao ay sinundan niya agad ito. Hindi pwedeng magpapaapi lang siya nang ganoon. She has to defend herself kaya kokomprontahin niya ito.

Ilang hakbang na lang mula sa kanya si Jessica nang biglang may humarang sa dinadaanan niya.

"Ma'am Rea. Hinihintay na po kayo ni Jason ." It was JJ's secretary. Pero hindi man lang niya magawang lingunin ang sekretarya. Nag-uusok pa kasi ang ilong niya habang pinagmamasdang papalayo na ang target.

Hindi niya pwedeng palampasin nang ganun-ganoon lang si Jessica. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili. "Pakisabi kay JJ na pupuntahan ko siya. May kakausapin pa ako."

Susundan na sana niya si Jessica pero mabilis na humarang muli ang sekretarya. "Pero Ma'am ang sabi ni Sir ay kailangan niyo na raw pag-usapan ang stocks. Importante raw po talaga."

Napabuntong hininga na lamang siya habang pinagmamasdan si Jessica papasok na sa isang opisina. Tila iyon na ang hudyat upang itigil na muna niya ang paghabol dito.

She closed her eyes and breathed deeply. "Fine. Take me to JJ's office."

And as for you Jessica, hindi pa tayo tapos. You just gave me an idea. And I'm sure you won't like it.


SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin