Chapter 6

3.4K 131 3
                                    

"Teka, bakit ako?" Reklamo ni Pierre.

"Madaldal ka kasi. 'Yan, bayaran mo lahat." Agad tumayo si Raven at nagpaalam. "Announcement. Mauuna na kami ni Maggie. See you later guys."

Hinila ni Raven si Maggie sa kinauupuan. Sa pagkakaalam niya ay mag-bestfriends ang mga ito. She would understand if Raven would take Maggie out of the table this time.

"Wait, Raven. Don't forget about the opening of Round 3 tonight." Pahabol na sabi ni Hyun kay Raven.

Shocks! Tama nga pala! May opening ng isa pang bar si Hyun mamayang gabi. She was ought to come with Mikael pero iba na ang plano ngayon. Wala na siyang ka-date. Eh ano naman kung wala siyang ka-date? Her mission now is to get inside the company at ipakita kay Mikael na kaya rin niyang pag-aralan ang negosyo.

She excused herself para makapag-retouch. Gusto niya pag mag-uusap na sila ni Mikael ay magsisi ito na hiniwalayan pa siya. She could be sexy and confident like Jessica too.

Nang makuntento ay naglakad na siya pabalik sa mesa nang may napansin siya. Isa na lamang ang natira roon. And it was Mikael.

Well, that's better. Mas mapapadali ang pagkausap niya rito.

She purposely walked gracefully towards the table and took a seat. She could see Mikael's eyes looking at her intently. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan siya. Kung ang ibig sabihin ng mga tingin nitong iyon ay naiinis ito sa ginawa niyang pagbabago sa sarili, ngayon pa lang ay nagsasaya na siya. He must be mad that she looks happy and more beautiful only after he left her.

"Where is everybody?" She asked nonchalantly when she reached the table.

"Hindi ka pwedeng magtrabaho sa kompanya." Diretsong sagot sa kanya ni Mikael.

Woah...Inunahan pa talaga siya ni JJ. Kinwento na marahil nito ang kagustuhan niyang pumasok sa kompanya.

Base sa tono ng pananalita ni Mikael mukhang hindi nagustuhan nito ang ideya. Pero ang totoo nga ay inaasahan na niya ang sagot na iyon. Ngunit pasensya na si Mikael dahil wala siyang balak na sumuko.

"Hindi mo naiintindihan. Ang sinabi malamang sa'yo ni JJ ay gusto ko lang magtrabaho doon at matuto ng business. It ain't just like that. Gusto kong matuto paano palaguin ang pera na in-invest ko sa kompanya niyo. Being just a psychiatrist won't fill my pockets."

"At kailan pa naging mahalaga sa'yo ang pera? Hindi ikaw ang Rea na may pakialam kung magkano ang laman ng bank accounts. You're doing this just to piss me off."

Pasok sa banga ang assumption nito. But she ain't backing off still.

"Oh no no Mikael. Hindi ka ganoon kaimportante para pag-aksayahan ko ng oras. I want to retire early and secure my future. It's all that I want."

"You can still do that by just the profits you gain from your stocks. Di mo kailangan magtrabaho pa sa kompanya."

She shook her head. "I have decided. I will work for the company and as a stockholder I know I have the privilege. Sa totoo lang, gusto kong magpasalamat sayo dahil pina-realize mo sa akin kung gaano kahalaga ang pera. That it could change a person perspective, goals and even," tiningnan niya ito sa mata, "...heart."

Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Mikael. Nakatitig ito sa kanya na tila ba isa siyang malaking balat sa puwet. She leaned on her chair and flashed her pearly whites. Gustong-gusto niya ang ideya na sumasakit ang ulo nito dahil sa kanya.

"I still don't approve of what you want. Ask for something else but that." Matigas na sagot nito.

"Ito ang gusto ko, Ma—" Scratch that. She can't say 'Mahal' now. Dapat matuto siyang kalimutan ang endearment nilang iyon. "Ito ang gusto ko, Mikael."

Umiling ang lalaki. "I'm sorry. Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo."

"But I have the right to ask for it!"

"Pero wala kang karapatan na mag-insist dahil nasa mga kamay pa rin namin ni JJ ang desisyon. And that's final."

Nagulat siya nang bigla itong tumayo at tila may kinukuha sa katabing upuan. In a split of a second ay nakalapag na sa kanya ang isang libro. She quickly glanced on the the book cover and it read: Odyssey by Homer.

"Ano 'to?"

"I saw that book and it reminded me of you. Kaya binili ko."

She used to be the happiest whenever Mikael gives her gifts. Tinatago niya ito nang mabuti. Inaalagaan. Pinapa-frame. Pero sa mga oras na iyon ay nais niya itong ibato pabalik sa lalaki. Ano kayang pumasok sa utak nito at nagbibigay pa ng regalo?

"Put that away. Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa'yo." She wanted to say meaner words pero iyon ang mabilis na lumabas sa bibig niya. Paano kaya niya sasabihin dito na wala itong hiya at binigyan pa siya ng regalo?

Ano'yun? Post break-up gift?!



SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora