Chapter 2

3.8K 173 27
                                    

"TAMA na! Aray! Patawarin mo na ako, Rea. Inakit lang niya ako!" Pagmamakaawa ni Mikael sa kanya. But she's having none of it. Mas masaya siyang nakikitang namimilipit ito sa sakit.

"Dapat lang sa'yo yan!" Itinaas muli niya ang karayom at itinusok iyon sa kulay puti na doll na may mukha ni Mikael mula sa isang ginupit na larawan.

"Aaahh! Maawa ka! Tama na!"

She laughed like a witch and took another doll. Ang doll naman iyon ay may larawan ni Jessica. Itinaas niya ang karayom at akmang ididiin iyon sa manyika nang tila may bumusina sa likod niya. Pero nang lumingon siya ay wala namang sasakyan.

"Hmp! Isa pa nga..." Itinaas muli niya ang karayom pero muling tumunog ang businang iyon.

"Aish! Distorbo!"

Inimulat ni Rea ang mga mata at doon niya nalamang nananaginip lang pala siya. At nalaman din niyang hindi busina ng kotse ang narinig kung hindi ay doorbell.

"Nandoon na eh! Konti na lang sana makakaganti na ako. Distorbo naman 'tong kay aga-agang nagdo-doorbell." She looked at the French windows of her room. Tirik na tirik na pala ang araw. Naberipika pa iyon nang makita ang relo na nakasabit sa pader ng kwarto niya.

It's already two in the afternoon.

Well, the Vodka Martini did their job pretty well. Nang makauwi siya nang bahay ay nagbukas siya ng isang bote ng vodka. Complimentary gift iyon mula sa Vittorio. Pero hindi niya pinagsisisihan ang malasing. At least it made her forget the pain kahit sandali lang.

She was about to stand pero bigla siyang nakaramdam ng tila dalawang screw driver na tumutusok sa utak niya. Mabuti sana at iyon lang, pati kasi lalamunan niya ay tila sinasakal.

Kahit pa sabihing malapit siya sa alak dahil sa negosyo ng mga kaibigan at ex ay hindi naman talaga siya manginginom. She only drinks for two reasons: First, when she's happy in the company of her friends and second, when she's feeling so down.

Kaya may valid reason siya sa pag-inom kagabi. Hindi lang kasi siya down. She felt like being buried alive.

At saka okay na rin kahit may hangover pa siya ngayon. At least nakatulog siya kahit papano. Ilang gabi na rin kasi siyang iyak nang iyak at binibisita ni insomnia.

Thanks to Mikael and her bitch.

Muling tumunog ang doorbell kaya tinungo na lamang niya ang gate. Pagkabukas ay tila kidlat na niyakap siya ng babaeng nakatayo roon.

"Rea! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo! Hindi mo sinasagot ang ang mga tawag ko. Hindi ka rin nagre-return call. Akala ko—"

"Hindi ako magpapakamatay para sa kuya mo, Lynn. He doesn't deserve it." Pinilit niyang magsalita kahit tila naiipit na siya sa higpit ng yakap ng kaibigan.

Lynn was the first one who freaked out about the break-up. Bukod kasi sa kapatid nito Mikael ay bestfriend din niya ito simula pa noong college.

"I was just worried. Tumawag ako sa rehab kasi nga di mo sinasagot ang phone mo. Tapos nalaman ko kay Doc Angelie on-leave ka pala for one month! I know wala ang mga parents mo ngayon dahil may conference sila sa Malaysia. Kaya mas nag-alala ako."

During the last few years madalas bumyahe ang mga magulang dahil sa mga conferences na dinadaluhan ng mga ito sa iba't ibang bansa. Ni hindi nga alam ng mga ito na naaksidente siya. Pati ang paghihiwalay nila ni Mikael ay di na rin niya itinawag pa sa mga ito. Sayang at gustong-gusto pa naman ng mga ito si Mikael para sa kanya. Also, she doesn't want them worrying over her. Kapag nalaman ng mga ito ang mga nangyari ay baka putulin pa ang conference upang makauwi lang para sa kanya. They are due to come home in two weeks pa kaya ayaw niyang istorbohin ang mga ito sa mga kamalasan na nangyayari sa kanya ngayon.

"I'm fine, Lynn." Paninigurado niya sa kaibigan. It was a lie she needed to tell a worried sick friend.

"Hindi mo man lang sinasabi sa akin ang mga plano mo." Kastigo muli sa kanya ni Lynn.

Pinalaya niya ang sarili sa pagkakayakap ng kaibigan at hinawakan ang dalawang pisngi nito. "I'm fine. Nag-leave lang ako dahil matagal na rin akong walang bakasyon mula sa trabaho. Why not use the chance to unwind? At saka wala ka dapat ipag-alala dahil wala akong gagawing masama sa sarili ko."

Nakita niya ang biglang pagkunot ng noo ni Lynn habang tinatakpan ang ilong nito. "Uminom ka ba?"

She chucked and started walking back inside the house. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ng kaibigan.

"Rea Karen Rivera, uminom ka ba?" This time Lynn sounded so serious.

She huffed and nodded. "Konti lang naman. Hindi ako naglasing."

"Sigurado ka?" Nakatitig ito sa kanya na tila ba may krimen siyang ginawa.

"Konti nga lang, eh."

"Then you should remember about ordering something from an online shop?" Itinaas ni Lynn ang box sa kamay nito. She noticed na may dala ito kanina. Pero hindi niya inaasahan na kanya pala iyon. "Nakasalubong ko ang delivery man kaya ako na ang nag-receive."

"Online shop?" Tinitigan niya ang box at pilit na inaalala kung umorder nga ba siya ng kung anuman kagabi.

Shit! Wala siyang maalala.

"Base sa expression ng mukha mo, hindi mo maalala ano?" Nakataas ang isang kilay ng kaibigan. "So what did you drink this time?"

She sighed. "Vodka."

"Alam mo namang hindi ka pwedeng uminom mag-isa diba? Are you really trying to kill yourself?!"

"OA ka naman! Hindi ako mamamatay sa alak."

"Hindi ka ng mamamatay sa alak. Eh baka mamatay ka naman sa disgrasya! Kakalabas mo lang sa ospital dahil sa muntik kang nang masagasaan. Ngayon uulitin mo na naman? Alam mo namang nagba-black-out ka kapag nakakainom ng sobra diba?"

Yeah right. How could she not know what blackouts are? Sa buong buhay niya ay tatlong beses na siyang nakaranas noon. Ang una ay noong birthday ni Mikael kung saan ay nag-swimming raw siya sa pool habang lasing. At ikalawa naman ay noong graduation celebration nila kung saan ay binayaran niya ang buong bill nilang magkaklase sa bar na pinuntahan. Sa dalawang pangyayaring iyon ay inaamin niyang wala siyang maalalang detalye sa mga ginawa. Kaya mula noon ay palagi na siyang binabantayan ni Mikael habang umiinom. Too bad, the third blackout incident didn't end well.

Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit anong pilit niyang kalimutan ang lalaki ay nagsusumiksik pa rin ito sa utak niya.

"I didn't blackout and I ordered that one." Pagsisinungaling niya upang tigilan na siya ng kaibigan.

"Really?" Nakaguhit sa mukha ni Lynn ang duda sa sinabi niya.

"Oo nga."

"So anong laman nito?"

She gritted her teeth. Alam niyang nag-aalala lang ang kaibigan sa kanya kaya di niya magawang mainis rito.

"Psychiatry magazines lang 'yan." Sinubukan niyang kunin ito sa kamay ni Lynn ngunit hindi ito binigay ng kaibigan.

"Sigurado ka?"

Wala siyang magawa kung hindi ay tumango na lamang. Kukunin na niya sana ang kahon nang mabilis itong buksan ni Lynn.

Nahigit niya ang hininga nang biglang sumigaw ang kaibigan. "What the fuck, Rea?!" pagkasabi ay inihagis nito ang box sa sahig. "You! I told you, masama ang alak sa'yo! Nagblack-out ka na naman!"

She stooped down, took the box and opened it. Siya man ay muntik nang mapatili sa nakita.

There are two voodoo dolls inside the box: One male and one female. Now she knows that the 'mangkukulam' dream wasn't just a dream after all.


PLEASE VOTE AND COMMENT! Paki-FOLLOW na rin ako guys... SALAMAT!

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon