Chapter 9

3.3K 129 5
                                    

"SOMEONE came prepared tonight, aye?" Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Jason James habang pinasadahan ng tingin ang outfit niya.

"Oh. It's because I want to see your bestfriend's eyeballs fall off." Direkta niyang sagot kay Jason James.

Nagkasabay silang mag-park ng kotse sa parking area kaya minabuti na rin niyang sumabay rito papasok ng bar.

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni JJ. "I'm very excited to see that."

Sa sinabing iyon ng kaibigan ay tila nadagdagan ang confidence niya sa sarili. Hindi man siya nagpunta roon para agawin pabalik si Mikael, gusto niyang makita sa mga mata nito ang panghihinayang.

Round 3 Bar is a sucker for class. The furnishing is so stylish na sa unang tingin pa lang ay malalamang mga maykaya ang customers roon.

"Welcome to Round 3!" Bati sa kanya ni Hyun. Naglalakad ito papalapit sa kanila. He looked so dashing in his gray suit.

"Congrats, Pare!" JJ shook hands with his friend.

Pagkatapos ay hinalikan naman niya si Hyun sa pisngi at saka binati. "Congratulations."

Pagkatapos ng batian ay dumeretso sila ni JJ sa VIP room kung saan naghihintay ang mga kaibigan. And just as the door opened, everyone's eyes were on them. Hindi naman siya attention seeker pero gusto niya ang nakikitang appreciation sa mga mukha ng mga naroroon. Well, maybe except for Jessica who's throwing her dagger looks. Nakaupo ito katabi si Mikael habang ipinupulupot ang braso nito sa bewang ng lalaki.

Possessive bitch.

Hindi na niya pinansin pa ang nanliliksik na mata ni Jessica at sinulyapan din si Mikael. Isang segundo ay nakatitig ito sa kanya at bigla na lang inubos ang laman ng hawak nitong baso. Tumayo rin ito at biglang lumabas ng VIP room. Sinubukan itong hawakan ni Jessica ngunit hindi ito nagpapigil.

She wanted to believe that she has affected Mikael on some ways. Kasi kapag nagawa nga niya iyon, her mission is complete. But as of now, she's not sure yet.

Nilapitan niya ang bar area ng silid upang umorder ng maiinom.

"What can I get for you, Ma'am?" Tanong sa kanya ng lalaking bartender roon. Pero bago pa man siya makapagsalita ay biglang nagflashback sa kanya ang paalala ng kaibigan si Lynn.

"You can't afford another blackout! Never drink without me." Bilin nito bago umalis ng bahay niya. She quickly scanned the room pero wala pa rin si ito.

Tsk! Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

Lumabas siya ng VIP room upang nagbabakasakaling makita roon si Lynn ngunit hindi siya nagtagumpay. She was about to pull her cellphone from her purse to call her friend when someone stood beside her.

"Hello, Rea."

And there she was. Ang pinakawalang-hiyang babaeng nakilala niya sa buong buhay.

"Jessica. Are you sure you want to talk to me?" She rolled her eyes hoping it would send a message that she doesn't like conversing with her.

"Yes. I want to talk to you."

Oh goodness gracious! What the fuck does this bitch want from her? "You want to compare notes about Mikael?"

Tumawa nang malutong si Jessica. "Ikaw naman. I don't need to compare notes with you. Just the idea that he left you for me is enough proof that I am a better lover."

Kalma, Rea Karen! Don't let her get into your nerves! Pero kahit ano pang pagpapakalma sa sarili ay naiinis na talaga siya.

"Let's just see. Hiniwalayan nga ako na four year girlfriend, ikaw pa kaya? Huwag kang mag-alala, Jessica. You'll get there. He'll find somebody else and he'll leave you too. At kapag di kayo umabot nang four years, ako ang panalo sa ating dalawa."

She saw Jessica gritting teeth and fuming but she doesn't care. Sanay siyang makipag-usap ng mga may problema sa utak. Hindi niya aatrasan ito.

"I'll make sure he won't choose me over somebody else! Hindi niya gagawin ulit sa akin yun."

Ulit? Sira ba 'to? Mikael only had one true girlfriend ever since and it was her. Siya lang ang nakapasa sa dami ng babaeng umaaligid dito noon. What the hell was Jessica thinking?

"You must be drunk, Jessica. Get away from me." Tinalikuran niya ito ngunit bigla na naman itong nagsalita.

"Alam ko kung bakit ka nagpapaganda. Gusto mo siyang agawin ulit sa akin. Well, bad news, Rea Karen Rivera. Akin lang si Mikael! Akin lang siya! Lahat ng hahadlang sa pagmamahalan namin ay magsisisi."


SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesWhere stories live. Discover now