Chapter 12

3.4K 137 18
                                    

WALKING back inside Vittorio couldn't be easier for Rea. Hindi dahil sa ayaw niyang makipagtunggali muli kay Jessica or Mikael, kung hindi ay iyon na marahil ang huling pagkakataon na pupunta siya roon.

"Can you drive me to Tagaytay, please?" diretso niyang tanong kay Jason James nang makapasok siya sa opisina nito.

"Rea, you can't just come here and ask me things like that."

Nagulat siya nang nagbuntong hininga ito at tila minamasahe ang sentido. "Uhh...Wrong timing ba ako?"

"Quite. Actually, nandito si Maggie kani-kanina lang."

"She was?"

Tumango ito.

Nasapo niya ang noo. "Ibig sabihin umalis siya dahil nang-istorbo ako? Oh I'm sorry. I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang istorbohin kayo." Was she too preoccupied that she didn't notice Maggie there?

Ngumiti si JJ sa kanya at saka hinawakan siya sa balikat. "Okay lang, Rea. I heard what happened between you and Jessica at Hyun's bar. Kaya naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. So how can I be of help? What's in Tagaytay?"

Bumuga siya ng hangin bago nagsalita. "Gusto ko lang tingnan mo ang bahay namin ni Mikael doon. I want to sell it. Wala rin namang makikinabang noon. I better sell it and split the money with Mikael. Sayo ko ipagbibili ang bahay."

"What? Are you serious?!" Bakas sa mukha ni JJ ang pagkagulat.

"Yes. At gusto kong bilhin mo na rin ang five percent na stocks ko sa kompanya. Ayoko nang—"

Natigil siya nang biglang itaas ni JJ ang isang kamay nito. "No. Don't do that, Rea. I...I can't buy your stocks."

"At bakit hindi?"

"I don't want to. Ayoko."

"Then I'll sell it to someone else."

"Hindi mo rin pwedeng gawin 'yan." Matigas na tutol ni JJ.

She shook her head. "Come on, JJ! Akala ko ba naiintidihan mo ako?"

"Okay okay! I'll buy your stocks."

"And the house too."

"What the heck, Rea? I won't buy your house! It's your dream house. Sabay niyong pinundar iyon ni Mikael."

"Bilhin mo na, Pare. Ibebenta namin sa'yo nang mura."

Pareho silang napatingin ni JJ sa pintuan. Nakatayo na pala roon si Mikael. Muling bumalik sa kanya ang mga sinabi nito sa bar. Pakiramdam niya ay pinatakan ng kalamansi ang sugat na nilikha nito sa dibdib niya.

"G-Good. Then it's settled. Salamat, JJ." She tried her best to keep her composure.

"Teka! Wala pa akong sinasabi!" Reklamo ni JJ pero hindi na niya ito pinakinggan pa. Ang gusto niya ay makaalis doon at makalayo kay Mikael.

She walked past Mikael but before she could touch the door she felt a hand holding her back. "Sandali, Rea. Can I talk to you for a second?"

"You're not supposed to be talking to me." Buong tapang niyang sagot rito.

Dahan-dahan siyang binitawan ng lalaki. "S-Sorry. Gusto ko lang naman itanong kung nasayo si Harry. He's been missing."

Napalunok siya. Of course nasa kanya si Harry. At nakahilata ito sa doghouse nito sa likod ng bahay niya. "Wa-Wala sa akin. Baka di gusto ang bagong amo kaya naglayas."

Nakita niyang huminga nang malalim si Mikael. "I see... Eh yung libro. Nabasa mo na?"

She can't help but notice his soft voice. Pero sinong niloko nito? Hindi siya nito madadala sa ganoong acting.

"Wala ka nang pakialam kung babasahin ko iyon o hindi. And don't be instantly nice to me, Mikael. Hindi bagay sa'yo."

"Wala akong intensyon na masama. Gusto ko lang talagang mabasa mo 'yon. Please, Rea."

Tila piniga ang puso niya sa pakiusap nito. If he hasn't just fooled her, she must've finished the book already. Pero paano niya gagawin iyon? Kung bawat pahina ng librong iyon ay maaalala niya ang ginawa nito sa kanya?

She bravely faced Mikael. At muling bumungad sa kanya ang mukha ng taong pinahalagahan niya nang husto noon. Sabihin mang siraulo siya pero ang totoo ay mahal pa rin niya ito. Sa loob ng maraming taon ay ito ang pinagmumulan ng kanyang kaligayahan. Pero kahit mahirap ay kailangan niya itong pakawalan. Iyon lamang ang paraan para mabuhay siyang muli.

"S-Sige. Babasahin ko 'yon. Para wala nang hang-ups. Mas madali na kitang makakalimutan, Mikael."


One More para sa weekend! Haylabyu guys! Hemweh3x! KOMENT AT BOWT nemen jen...

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesWhere stories live. Discover now