Teka nga lang! Ano bang nangyayari? Kanina, si Lucius, kakaiba ang ikinilos niya. Tapos ngayon si Ryoran.

Nilingon ko si Lucas. Gulat din siya. Pero nakabawi rin. Tapos tiningnan niya rin ako at nagkibit balikat.

"Altair, patawarin mo ko," patuloy lang si Ryoran sa pag-iyak.

"R-Ryoran, bumangon ka nga," utos ko habang palinga-linga sa paligid. Baka kasi may makakita sa ganiyang sitwasyon at sabihin pa na inaway-away ko to kaya umiiyak.

"Patawarin mo ko. Huhu. Pangako, hindi ko na uulitin yun. Huhu. Ayoko pang mamatay! Ayokong malechon," hindi siya nakinig sakin.

Bahagya akong natawa nang may narealize ako sa sinabi niya. Natakot pala siya kanina sa nagawa ko?

"Oo na. Sige na. Bumangon ka na kasi," natatawa kong sabi.

Agaran naman siyang bumangon at pinahid yung luha niya.

"Talaga? Napatawad niyo na ako?"

"Uhm... Oo. Eh ikaw naman kasi. Ikaw tong nauna kanina," panisi ko pa.

Napakamot siya sa batok niya. "Sorry na. H-Hindi ko naman alam na ganun ka pala kalakas."

Narinig ko na natawa si Lucas. Pero nang lingunin ko siya, nagpigil siya ng tawa.

Natigilan ako sandali. "First time ko lang yun nagawa," saad ko sa sarili ko.

"First time?" Tanong ni Ryoran.

Tumango ako. "Basta naramdaman ko na lang na galit ako lalo na sayo. Pero kanina pa yun. Hindi na ako galit sayo ngayon. Nag-sorry ka naman e."

"Paano kaya kapag kontrol mo na kapangyarihan mo? Woah! Baka tuluyan na nga akong masunog," aniya.

Natawa ulit si Lucas. "Kaya huwag mong i-bully si Altair. Baka sa susunod, maging barbeque ka na," sabi niya kay Ryoran.

Tila napalunok ng laway si Ryoran kaya mas natawa si Lucas.

"Huwag ka ngang tumawa riyan," tila asar na sabi niya kay Lucas.

"ALTAIR!" Isang sigaw ang umagaw sa atensiyon naming tatlo. Si Eunice. Tumatakbo siya palapit sakin.

"Altair! Ayos ka lang? Sinong epal ang nakalaban mo kanina? Kasi lelechonin natin!" Alalang tanong ni Eunice nang makalapit siya sakin.

"Ah. Ayos naman ako."

"Naku! Naku! Sino yung nakalaban mo? Sino nang-away sayo? Naku! Sana talaga natusta siya sa powers mo," gigil na sabi ni Eunice.

"Ah... P-Paano mo nalaman ang tungkol sa nangyari?" Taka kong tanong.

"Nakasalubong ko kani-kanina lang si Lucius. Nasabi niya sa akin na nandito ka sa clinic dahil may nakalaban ka raw na kaklase mo. Inaaway-away ka raw niya. Sabi pa ni Lucius, binu-bully ka raw ng nakalaban mo pero puro malakas lang daw iyon sa paghahambog."

Napakurap lang ako.

"Grabe naman 'yang sumbong ng Lucius na yun. Tsk. Kahit kailan talaga. Hindi ko akalain na kaibigan niyo yun," ani Ryoran. "Pero mabuti na lang at prinotektahan ako ni Ma'am Victoria kanina. Dahil kung hindi, tosta nga ako. Nagsisisi na talaga ako."

Tiningnan siya ni Eunice ng masama.

"So..." Naningkit ang mga mata ni Eunice at hinarap niya si Ryoran. "It means na ikaw yung nakalaban ni Altair? Ikaw ang sinasabi ni Lucius na nang-aaway kay Altair? Tsk! Oh ano ka ngayon ha? Eh wala ka naman pala kay Altair!"

"A-Altair oh!" Sumbong ni Ryoran sakin.

"Uhm... Ryoran, babalik na kami sa dorm namin. Baka gusto mo na ring umuwi sa dorm mo," nag-aalangan kong sabi. Baka kasi makalbo siya ni Eunice. Galit pa naman.

"Ah ganun ba. S-sige. A-Alis na ako. Bye," at kumaripas na ng takbo si Ryoran. Natakot ata kay Eunice na masama ang tingin sa kaniya.

Natawa ako.

Napansin ko lang. Na-out-of-place na ata si Lucas sa tabi ko. At kanina pa pala ako nakakapit sa braso niya kaya agad akong kumalas sa pagkakakapit sa kanya. Nagkatinginan naman kami. Tapos sabay natawa.

Natigilan lang kami sa pagtawa nang tumikhim bigla si Eunice. Hindi ko nga alam kung bakit kami natawa ni Lucas. Nasiraan na ata kami ng ulo.

"Tara na, Altair. Hapon na. Bumalik na tayo sa dorm. Kailangan mo ulit magpahinga para may sapat kang lakas na letchonin ang mga nang-aaway sayo," striktang sabi ni Eunice.

Tiningnan ko muna si Lucas. "Mauna na kami sayo, Lucas."

Tumango naman siya.

Pagkatapos biglang nanghila itong si Eunice.

"Ano yung tawa-tawa niyong dalawa ni Lucas kanina? Tapos nakakapit ka pa sa braso niya ha," biglang tanong ni Eunice sakin habang papunta na sa dorm.

"Ha? W-wala."

Binigyan niya ako ng isang tingin na tila pinagdududahan niya ako.

Psh. Pasaway. Bahala siya mag-isip diyan.

Pero teka nga. Naalala ko yung sasabihin sana ni Lucius kanina. Hindi yun natuloy dahil dumating si Lucas. Tapos bigla niyang nakalimutan daw.

Ano naman kaya sasabihin niya sana?

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon