"Uy. Bakit ka titig na titig sakin?" Biglang tanong niya.

Napaiwas ako bigla ng tingin sa kaniya. Nakatitig na pala ako?

"Di mo ba napansin yang suot mo?" Bigla niyang tanong.

Napatingin naman ako sa sarili ko.

Oh? Bakit ngayon ko lang napansin? Yung suot ko kasi, polo. Yung uniform ng mga lalaki rito. Sa ilalim naman ng polo, suot ko pa rin ang uniform ko. May mga sunog na parte.

"Isunuot ko lang muna yung uniform ko sayo. Hindi na kasi mukang uniform yang suot mo eh," aniya.

Aish. Kamalas. Nasira tuloy uniform ko. Bwesit na Ryoran kasi. Sarap hambalusin.

"Altair," tawag sakin ni Lucius.

"Oh?"

"May sasabihin ako."

Napalingon ako ulit sa kaniya. "Sige. Ano yun?" Tanong ko.

Nagtataka man ako kung bakit ganito ang asal niya, hindi ko na kwenestyon pa. Baka biglang mang-asar na naman. Mas mabuti na lang ang ganito.

Umayos muna siya sa pagkakaupo niya.

"Uhm... Kasi---" naputol naman ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto ng clinic at iniluwa nito si Lucas.

"Oh! Gising ka na pala, Altair," nakangiting sabi ni Lucas at tuluyang pumasok.

"Ah oo. Ano nga ulit sasabihin mo?" Pagbabaling ko kay Lucius na nakasimangot na ngayon.

"Wala. Nakalimutan ko," walang ganang sabi niya tapos tumayo siya at biglang umalis.

"Eh? Ba't biglang naging ganun yun?" Pagtataka ko. Ni hindi man lang nagpaalam.

"Bigla atang tinupak yun. Siya nga pala, maayos ka na?" Tanong ni Lucas.

"Uhm oo."

"Mabuti naman kung ganun. Nakita ko rin kasi kanina yung nangyari eh. Nang makita ko na dinadala ka na palabas ng division niyo na walang malay, gusto ko sanang makalapit kaso dumating na ang guro namin at hindi kami pinayagan na humalubilo muna sa nagkakagulong division niyo. Kaya nang matapos kami ngayon sa division namin, agad akong dumeritso rito sa clinic since hindi pa kita makitang bumabalik sa division niyo."

"Ah. Ayos lang yun. Saka okay naman ako ngayon e."

Nakita niya rin. Parang nakakahiya tuloy.

"Uhm... Lucas."

"Hmm?"

"Pwede na ba akong makabalik sa dorm?" Nagaalangan kong tanong.

"Teka lang. Magtatanong ako sa in-charge na nurse rito. Dito ka lang," aniya at saka lumabas ng silid.

Hinintay ko lang siya. Actually, medyo natagalan. Pero nang bumalik na siya, kasama na niya ang nurse.

May mga itinanong sa akin ang nurse tungkol sa nararamdaman ko at nang masiguro na nakabawi na ako ng lakas, pinayagan na niya akong makabalik sa dorm ko.

"Ihatid na kita," saad ni Lucas.

Bumaba na ako sa kama at lumabas na kami.

Pagkalabas na pagkalabas namin ni Lucas sa silid, may bumungad samin na isang lalaki. Akala ko si Lucius, pero si Ryoran pala.

Nabigla ako nang bigla siyang lumuhod at yumuko.

"Patawarin mo ko! Pasensya na. Di na mauulit," anito at inangat niya ulo niya.

Napakapit ako tuloy sa braso ni Lucas bigla nang makita ko na umiiyak si Ryoran.

"Patawarin mo ko! Di ko na uulitin. Huhuhu," saad ni Ryoran.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon