Mistaken Pleasure-1

137K 1.3K 87
                                    

Palabas na ako ng bahay ngayon para pumasok sa opisina. I'm Amanda Marquez. 24 years old and happy ako sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pa. Isa akong writer sa isang sikat na publication dito sa Maynila. Papasok na sana ako sa kotse ko ng biglang nag ring ang phone ko.

Myrtle's calling. My very beautiful twin sister. 

"Yes, Pretty?" Masigla kong bati sa kanya sa kabilang linya.

Narinig kong tumawa siya ng mahina. "Bolera ka talaga! Ahm, can I ask a favor?" Ayan na naman siya. Ang hilig talaga sa favor ng babaeng to.

"Yeah, sure. Ano yun?" Tumango tango ako kahit alam kong hindi nya ito nakikita.

"Pwede ka bang bumili ng flowers at ibigay mo kay Alex?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ha? Bakit naman?" I asked. 

"It's our 3rd aniversary kasi at hindi ako makakapunta sa dinner date namin mamayang gabi. Hindi pa kasi natatapos ang project na ginagawa namin dito sa london. Gusto ko sana siyang esurprise kaso na cancel ang flight ko pauwi dahil sa unfinished project." She said with a very worried tone of voice.

I sighed. "Sure, Pretty. No problem. Ikaw pa! Malakas ka sakin eh!" Pinapalakas ko ang loob nya kasi alam kong miss na miss na nya ang boyfriend nya. 

"Thankyou so much twin! May pasalubong ka talaga sakin pag-uwi ko. And please tell Alex that I love him so much." 

"Sure! No problem. Pasalubong ko ha!" I exclaimed. 

"Oo promise! Twin, ibababa ko na to ha. May gagawin pa kasi ako. Take care." 

Magsasalita pa sana ako pero pinatay na nya. Napakabait talaga ng kapatid kong si Myrtle. Kakambal ko siya. Isa siyang licensed engineer and on call din siya. Super busy nya at pumupunta siya sa iba't ibang bansa para sa mga projects na ginagawa nya.

Ginawa ko ang sinabi nya. Bumili ako ng flowers at nagdrive na ako papunta sa office ni Alex.

Si Alex ang boyfriend ng kakambal ko. Ang tagal na nga nilang mag on pero madalang pa sa patak ng ulan kung magkita. Wala kasing time ang kakambal ko kay Alex dahil narin sa trabaho nito. Si Alex naman ay busy din sa sarili nitong kompanya. Hindi ko alam kung ilang taon na si Alex, ang tanging alam ko lang ay mayaman ang pamilya nito.

Nang makarating na ako sa tapat ng building na pagmamay-ari ni Alex ay dali dali akong sumakay sa elevator. Halos patakbo akong pumunta sa front desk ng secretary nya at nagpasabi ako ng appointment. Baka kasi ma late pa ako sa trabaho ko.

"Ma'am I'm sorry. Mr.Del Castillo is not available right now." Sabi nang babaeng secretary nya.

"Tsk. Pwede bang isingit mo nalang ako ngayon, Miss? Malelate na kasi ako sa trabaho ko eh." Sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon