FPQ: 4

3 0 0
                                    

Finding Park Quin : 4

ALMOST a week na since nag-transfer dito si Calyx at almost one week na din nyang ginugulo ang tahimik kong buhay.

Speaking of Calyx...

"Amethyst,anong sport mo?" Malapit na kasi ang Sports Festival namin at sabi ni prof Sanchez ay kailangan na daw naming pumili ng sports namin.

"Wala pa akong napipili eh. Isa pa hindi naman ako mahilig sa ganyan." Saad ko at tumango-tango naman siya.

"Talaga? Nako,sumali ka dapat ah? Para pareho tayong sporty. Naks!" Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nasa canteen kami ngayon and YES sabay kaming kumakain.

"Basketball ang sasalihan ko--"

"Hindi ko tinatanong." Pagputol ko sa sinasabi niya dahilan para sumimangot siya at ilapag ang kutsara sa mesa. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang siya naman ay nakatingin saakin ng masama.

"Bakit ganyan ka saken?" Calyx,at pinanliitan ako ng tingin. Humigop naman ako ng sabaw at nagpanggap na walang alam.

"Hmm?" Ako. Binagsak niya ang kamay niya sa mesa ng malakas kaya nakagawa ito ng tunog dahilan para mapatingin saamin ang mga tao.

"Tsk! Attention-seeker."

"Ano 'hmm?' 'hmm?' dyan? Amethyst,nagshe-share lang ko. Kahit kailan hindi mo man lang sinuportahan 'ni isa sa mga thoughts ko." Para talagang sira-ulo 'tong lalakeng 'to.

"'Wag ka ngang attention-seeker. Gago! Pinagtitinginan tayo oh." Pasimpleng giit ko sakanya habang kumakain. Buti nalang nawala agad ang mga tingin ng mga tao kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Tignan mo,tinawag niya pa akong gago." Siya.

"Sorry na. Hinaan mo nalang kase ang boses mo. Ang lapit ko sayo oh." Tumango-tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain.

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng field. Oo,kasama ko siya. Pinilit niya akong samahan siya kaya pumayag nalang ako. Magbabasa pa nga sana ako ng nobela eh,ka-imbyerna lang 'tong lalaking 'to.

"Amethyst..." Biglang tawag niya saakin. Hindi naman ako nagsalita.

"Bakit sobrang gwapo ko?"

•••

NANDITO ako ngayon sa bahay. Nire-review ang mga palatandaan sa mukha o sa katawan ni Park Quin Menella.

-Royal Sky Blue ang kulay ng mga mata
-May nunal sa leeg
-Maputi
-Hanggang beywang na straight na buhok.
-May kwintas na may naka-ukit na 'Quin'

Teka,royal sky blue na mga mata? Pareho sila ni Amethyst ah.

Sa laki ng West High imposibleng mahanap ko agad-agad si Parker Quin. Lintek oh! Baka naman forever na 'tong misyon kong 'to?
Naknang,walang forever. Pero ang kagwapuhan at pagiging hot ko? Forever na 'yon.

Naalala ko tuloy 'yung kanina sa field.

"Bakit ang gwapo ko?" Tanong ko kay Amethyst at bigla nalang akong inirapan.

"Nako,sige ka. Irapan mo pa ako ng irapan,pipirme talaga 'yang mata--"

"'Wag mo nga akong tinatakot. Batukan kita dyan eh."

"Alam mo,ang harsh mo."

"Hindi ko tinatanong."

"Tapos ang sama pa."

"At least maganda."

"Nako,hindi ko tinatanong." Tawa-tawang saad ko at kumaripas ng takbo dahil sa pagkakaalam ko babatukan niya talaga ako. Delekado na 'no. Ang gwapo ko pa naman.

"Hay nako Amethyst." Giit ko.

Inaamin ko,crush ko siya. Normal lang naman ang magka-crush diba? Lalo pa't sobrang hot at sobrang gwapo ko. Masasabi ko ngang napaka-swerte ni Amethyst at isang Calyx Lucero ang nagka-crush sakanya.

Kahit napaka-harsh niya,kahit napaka-sama niya saken,kahit binabara niya ako,kahit sinusungitan niya ako araw-araw at kahit na SOBRANG hot at gwapo ko,okay lang. At least,kaibigan kami at sobrang hot at gwapo ko. Naknang!

Oo na! Hindi niyo na tinatanong. *poker face*

***

ADD ME ON FACEBOOK! 'Annyhc WP' is the name. Chupport~!!

Finding Parker Quin [ON-GOING]Where stories live. Discover now