FPQ: 7

0 0 0
                                    

Finding Parker Quin : 7

"MAY dala ako." Napabaling agad ang atensyon ko sa kadadating lang na si Calyx. Pati ibang tao napatingin sakanya lalo na ang mga babae.

"Close na sila ng weirdong Amethyst na 'yan?"

"No way. Never!"

"They are not perfect match. Yucks!"

"Ang gwapo-gwapo ni Calyx my loves tapos...tapos sa isang weirdong Amethyst lang siya babagsak?!"

"He must be blind."

Napabuntong-hininga ako sa mga narinig kong bulungan. I think kailangan kong lumayo kay Calyx. Nadadamay siya sa mga chismis saakin dito eh. Masisira pa ang image niya. Napatingin ulit ako sakanya na naglalakad palapit saakin habang nakangiti.

Napabuntong-hininga ulit ako. Kaya ko ba? Ang tahimik ng mundo ko 'pag mawawala siya. Pero para din naman 'yon sakanya. Ang gusto ko lang ay tumahimik din ang buhay niya kasama ang mga taong... Aish ewan!

Malapit na siya sa pwesto ko kaya mabilis akong tumayo at umalis doon. Gusto kong tumigil pero kailangan ko talagang lumayo.

"It's for the best."

"Amethyst!" Rinig kong tawag niya saakin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang maramdaman kong sumunod siya saakin ay tumakbo na ako hanggang sa malayo na ako ng tuluyan sakanya.

"Hoy! Bakit ayaw mong--"

"B-Bakit--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang bigla niya akong yakapin. Nagulat ako pero hindi ko siya nagawang itulak saakin. Hindi madaling malayo sakanya. Hindi madaling malayo sa isang Calyx Lucero.

"Don't ever try to leave me." Halata sa boses niya ang pagmamakaawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Please..." Dagdag na saad niya nang maramdaman nyang hindi ako sumagot o nagsalita man lang. Huminga ako ng malalim at niyakap siya pabalik.

"I can't resist this man."

"Amethyst..." Tawag niya saakin nang kumalas na siya sa pagkakayakap saakin. Nagtinginan kami for a couple of seconds. Hazel na mga mata,sounds cool.

"Hmm?" Ako.

"'Wag mo akong iiwan ah? 'Wag mo din akong iiwasan."

"Yeah."

"Promise?"

"Hey,I can't promise. Malay natin diba,masagasaan ako habang nagco-commute kanina--"

"Don't worry,hatid-sundo na kita--" He said then he winked. Aangal pa sana ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko at magsimulang maglakad kaya hindi na ako makapag-salita. Aba,chansing 'to ah.

"Amethyst..." Tawag niya saakin habang nakatingin padin sa daan. Napatingin naman ako sakanya.

"Hmm?" Ako. Hawak-kamay padin kami ngayon habang naglalakad. #HHWW #KikiliginNaBaAko? Whatever.

"Ang gwapo ko 'no?" Siya sabay tingin saakin habang nakangiting-pilyo. Ayan nanaman ang kahanginan niya. Napataas kilay naman ako sa sinabi niya.

"Oo nalang." Saad ko at akmang kukunin ang kamay ko sa kamay niya nang higpitan niya ang hawak nito. Grabe 'to ah.

"Hoy,chansing ka na ah." Giit ko pero siya parang walang narinig. Maya-maya pa ay intertwined na ang kamay namin. Every time na kukunin ko ang kamay ko sakanya mas lalo nyang hinihigpitan ang kapit dito. Aba!

"Ano ba? May mga nakatingin saatin oh." Saad ko sakanya. My ghad,andaming nakatingin saamin.

"Paki ko sakanila?" Aba! With full force ay kinuha ko ang kamay ko sakanya.

"Ano ba." Ako at tinignan siya ng masama.

"Oo nalang." Siya. Hays. Walang kami okay? Teka,ano bang sinasabi ko?!

***

ADD ME ON FACEBOOK "Annyhc KookirBwii" FOR MORE UPDATES.💞

Finding Parker Quin [ON-GOING]Where stories live. Discover now