FPQ: 6

2 0 0
                                    

HAPPY BIRYHDAY KIM SEOKJIN!!

~~~

Finding Parker Quin : 6

"OKAY na din." Saad ko nang matikman ko niluto niya pero siya ay nakapoker-face lang. Kahit kailan talaga.

Hindi naman sa pagiging chismoso pero nalaman ko lang naman ang address niya dahil sa angkin kong kagwapuhan. *wink*

"'Pano mo ba kasi nalaman 'tong address ko?!" Amethyst sabay hampas ng kamay niya sa mesa. Nakita ko naman na napangiwi siya dahil siguro sa sakit. Kaya kinuha ko 'yon at tinignan kung anong meron. Agad niya namang kinuha 'yon at sinamaan ako ng tingin.

Aba! Siya pa ang may ganang magalit saakin? Eh siya nga ang may kasalanan kung bakit pumula 'yang kamay niya eh. Isa pa,ang swerte nga niya kase isang Calyx Lucero ang humawak sa kamay niya. Sa gwapo kong 'to? Naks!

"Don't touch my hand." Tsk! Arte naman. Buti nalang ang gwapo ko. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain na. Masarap syang magluto,pero syempre dahil sa taglay kong kabaitan umarte akong hindi masyadong masarap 'yon. Huehuehue.

"Ayaw mo talagang sumagot,Lucero?" Umiling ako sa tanong niya. Bumuntong-hininga naman siya at tumayo kaya napatingin agad ako sakanya.

"Siguraduhin mo lang na walang nakasunod sayo." Amethyst at umalis na. Maliligo na siguro 'yon. Pero nakakapagtaka naman. Eh ano naman kung may nakasunod saakin dito? Most wanted ba siya? Oh kaya pinaghahanap ng mga pulisya? Oh isa syang drug dealer na--de joke lang! Ang ganda kaya ni Amethyst para maging most wanted. Nako!

Maya-maya pa ay natapos na akong kumain at sakto namang lumabas na si Amethyst galing sa kwarto niya siguro. Nakaka-curious naman ang nasa loob 'non. Diba pwends naman kami? So pwede--

"'Wag na 'wag kang papasok sa kwarto ko,Lucero. Kung ayaw mong--"

"Oo na. Basta 'wag mo na din akong tawaging Lucero. My ghad! Nakakapangilabot." Inirapan niya naman ako bigla kaya napangiti nalang ako. Ang alam ko kasi,sa TAGAL ng pinagsamahan namin ang alam ko ay 'pag iniirapan niya ako means 'surrender' na siya. Like parang 'surrender' na siya sa kagwapuhan ko. Whohoho.

"Tayo na." Saad niya dahilan para lumaki ang mga mata ko. A-anong sabi niya?!!

"A-Ano? Tayo na? Agad-agad,Amethyst?" Tanong ko sakanya. Nako naman. Grabe naman pala 'tong babaeng 'to. Akala ko ba hindi niya kakayanin ang charms ko? Naks.

"Ano bang--"

"Alam kong napaka-gwapo ko,Thyst,pero pwede bang hintayin mo munang ligawan kita?" Ako habang nakapameywang pa sa harap niya. Bigla niya namang itinaas ang kilay niya at nagcross-arms.

"Wala akong--"

"Anong wala kang pakialam? Nako naman,Thyst. Lalake din ako,may dignidad. Respetuhin--"

Finding Parker Quin [ON-GOING]Where stories live. Discover now