FPQ: 5

6 0 0
                                    

Finding Parker Quin : 5

GABI na pero hindi padin ako makatulog. Iniisip ko sina mommy at daddy. Nami-miss ko na sila,pero kailangan ko lumayo-layo muna dahil alam kong 'yon din naamn ang gusto nila. I trust their words. It's for the safety of mine.

Lumabas muna ako ng kwarto at pumuntang pavilion. Ang lakas ng simoy ng hangin and it really gives me shiver. Speaking of hangin,naalala ko tuloy ang 'hangin king'. Kahit kailan napaka-hangin.

Okay fine,simula palang naman diba? Sinabi ko na na oo,gwapo nga siya. Pero napaka-vocal niya naman kung pati ang kagwapuhan niya ipaglalandakan niya sa lahat diba? Lalo na sakin? My ghad.

Pero maliban sa pagiging makulit,at mahangin ni Calyx,naging kaibigan ko din naman siya. Hindi siya 'yung tipo ng kaibigan na kakaibiganin lang ako dahil may kailangan. I can say that he's really a true friend--mahangin nga lang.

Natitiis niya din pala ang ugali ko 'no? Haha! Bipolar akong tao,hindi ko alam basta bigla-bigla nalang akong tinatamaan ng mood swing ko. I can't control it. Syempre nga diba,

'You can't control your feelings.'

Ang lamig na ng hangin dito sa pavilion so I decided to get inside my house and take a sleep. Sana hindi ko mapanaginipan ang aswang na 'yon. Nakakatakot kayang madaanan ng bagyo ang panaginip mo.

Umaga na at kumakain pa ako ng agahan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Teka,wala namang nakaka-alam ng number ko ah. Puno ng pagtatakhang kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko nalang ang isang unknown number. Teka,sasagutin ko ba? Eh paano kung--

[Amethysssssst!!] Tangna 'din 'tong lalaking 'to eh. Kahit kailan nakaka-badtrip. Akala ko kung sino na. Bwisit!

"Umagang-umaga nanggugulo ka. Ano?" Tanong ko sakanya at bumalik na sa mesa at nagpatuloy sa pagkain.

[Whatever you say. Bubuksan ko 'tong pinto ah?] Agad na umarko ang kilay ko sa sinabi niya. What is he sayin'?

"Anong bubuksan mo ang pinto ko?!" Singhal ko sakanya at lumapit sa pinto ko. Hinawakan ko ang door knob nito at binuksan 'yon nang tuluyan at to be dismay.

"Dapat ako ang bubukas eh! Ano ba,Amethyst? Magbigay galang ka nga sa nakaka-gwapo sayo." Calyx at pumasok na sa loob.

"Eh ang tanong,gwapo ka ba?" Ako. Aktong magwe-welga siya sa sinabi ko pero inunahan ko na siya.

"Alam kong napaka-chismoso mo,Calyx. Pero sobrang pagka-chismoso mo naman kung pati address ng bahay ko aalamin mo pa." Saad ko habang nakapameywang na nakatingin sakanya.

"Pakainin mo nga muna ang gwapo,Amethyst. Magbigay galang ka nga." Aba't!!

"Sige na!" Padabog na naghanda ako ng makakain niya. Bwisit. Umagang-umaga eh iniinis ako. Ka-imbyerna 'to. Hmmp!

***

ADD ME ON FACEBOOK "Annyhc WP" FOR MORE UPDATES.💞

Finding Parker Quin [ON-GOING]Where stories live. Discover now