Chapter 7 (Vergara mansions)

Start from the beginning
                                    

"Ma, how are you?"

"Oh my God, Nathaniel! Akala ko nagbibiro lang si George nung sinabi niyang dadalaw ka." Natuwa ito.

Lumapit naman siya upang yakapin ang kanyang ina. Kinapa naman agad nito yung mga braso niya.

"Hijo, kumakain ka ba ng maayos? Oh dear, pumayat ka!"

"Ma, naman. You know that I'm trying to lose weight."

"Elmira, he's a fine handsome man. Actually hijo, you really look good now. Mukhang umeepekto na talaga ang pagtitiyaga mo sa gym." Bati naman ng Tita Margaret niya, nakaupo ito sa covered table area at umiinom ng tea. Lumapit na siya upang magbeso.

"Ninang semuseksi yata kayo. Mukhang panay pa rin ang yoga n'yo." Nakangiti si Nathaniel.

Buntong-hininga naman ang isinagot nito. "Manang mana ka talaga sa daddy mong bolero. Elmira, bakuran mo yang anak mo at baka magkaapo ka ng 'di oras."

Ngumiti si Mrs. Vergara. "Dadaan muna s'ya sa'kin bago niya malapitan ang baby ko." Inakbayan ni Nathaniel ang kanyang ina.

Natuwa naman siya.

"Ma, naman. I'm not planning to get married anytime soon."

"Nga pala, how's your brother, hijo. Bakit hindi mo s'ya kasama?" Biglang pagtatanong ni Mrs. Buenaflor.

Matagal bago nakasagot sa kanya si Nathaniel. At the back of his mind he wanted to tell the truth. Na wala itong balak na dumalaw sa kanila. Sinubukan naman niyang kausapin ito pero hirap talaga s'yang hagilapin si Lucas.

"He's busy right now Tita." Idinahilan nalang niya.

Kapansin-pansin naman ang pananahimik sa usapan nila si Mrs. Vergara. Hindi ito interesado sa pinag-uusapan ng dalawa.

"I would love to see him. Sayang naman, malapit na ang 30th anniversary ng Mommy at Daddy ninyo."

"I'll try to call her later Tita. Baka libre na s'ya."

"Oh s'ya, umupo muna kayo rito. Let's have some chat. Sana nagsabay na kayo ni Margaux."

"Last time I called she's on her way na Tita may pictorial pa kasi s'ya sa Casa El Mare."

Napailing ng bahagya si Mrs. Buenaflor. Hinubad nito ang kanyang shades at inilapag sa glass table.

"Ang anak kong yon, ni hindi man lang magawang tawagan ako. Elmira, ba't ganyan ang mga anak natin nagkaedad lang ng kaunti ay kinalimutan na tayo."

"Iba itong si Nathaniel ko, sobrang maaalalahanin sa akin. Hindi yan makatulog sa gabi kapag hindi ako nakakausap sa cellphone."

"Iyon ang namana ko sa kanya, Tita," sabat naman ni Nathaniel, nginitian pa niya ang ina.

-----

SA KABILANG BANDA, naging masinsinan naman ang pag-uusap ng magkumpare.

"Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa mga Santillian?" Tanong ni Sergio Buenaflor.

Noong mga oras na yon, naghahanda na si Don Ricardo upang pumalo nang matigilan ito sa sinabi ng kanyang kumpare.

"I heard some rumors but I didn't take them seriously." Pag-amin niya.

"Nagkakagulo na raw. Well apparently, wala pa siyang napipiling tagapagmana sa ngayon."

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now