Pumasok kami ng STG at nagulat ako ng makita na medyo madami-dami ang tao. Hindi na din pala nakakapagtaka dahil masyadong friendly si Spade sa lahat. May ilan na nag-iinuman at nagke-kwentuhan. Agad na nahagip ng paningin ko ang grupo ng tao kaya malamang na nandun si Spade at ginugulo.

“Let’s stay here.” sabi ni Kieth at dinala ako sa isang table na agad nilapitan ni Kuya Matt nung makita kami. Busy pa si Spade sa pakikipagusap sa mga bisita nya kaya mamaya ko na siguro sya kakausapin.

“Kieth!” bati ni Kuya Matt at nakipag-apir kay Kieth saka bumaling sa akin. “Oh! AD! Sabay ba kayong dumating ni Kieth?” ngumiti sya kaya tinugon ko iyon ng ngiti saka tumango.

“Ah, akala ko ay kasabay mo na dumating ang Darker kanina. Nakakapagtaka at hindi na kita nakikita na kasama sila lalo na nung mga nakaraang gigs nila.” sabi nya at agad na nag-react ang puso ko dahil sa narinig ko. Nandito ang Darker?

Naramdaman ni Kieth ang tensyon ko kaya agad nya na nilihis ang usapan at kinausap nya nalang si Kuya Matt. Samantalang ako ay hindi mapakali at luminga-linga sa paligid. Bakit sila nandito? Alam ni Spade na umiiwas ako sa kanila o sa isang myembro nila at hindi naman sila close.

Halos magtago na ako para lang hindi kami magkita at iniwasan ko na din ang mga Royals. Ayokong makita sya dahil kapag nangyari yun ay baka gumuho ang pundasyon ko na matagal kong tinayo sa halos isang buwan ko syang iniwasan.

Umalis si Kuya Matt saglit at si Kieth naman ay tumingin sa akin. Nakataas ang dalawang kilay nya na parang naghihintay ng sasabihin ko pero hindi ako umimik.

“Maybe Spade has a reason why he invited them.” sabi nito at parehas kaming napatingin sa taong papalapit sa amin. “And speaking of Spade, hey.” dagdag niya nang tuluyan nang makalapit sa amin si Spade.

“Keith!” sabi ni Spade at tinapik si Kieth. May binulong sya rito at saka kumindat sa akin si Kieth bago umalis.

Hindi pa rin ako umiimik at medyo kumalma na ako dahil hindi ko pa naman sila nakikita. Malaki din naman ang STG at masyadong maraming tao para magkita kami. At bakit ba masyado akong affected?

Umupo si Spade sa harap ko at nakangisi lang sa akin. Kainis, yang ngiti na yan ang nagpapalambot sa puso ko at parang nawala na agad sa kanya ang tampo ko. Sana sya nalang talaga ang Kuya ko.

“Nagtatampo ka pa din?” tanong nya at inabot sa akin ang isang baso na kinuha nya sa isang waiter. Inabot ko naman iyon at uminom bago sumagot. Hmm, this is good.

Tinitigan ko sya ng masama. Mamimiss ko talaga to kahit halos ilang buwan lang kami nagkasama. Sya kasi ang naging kasama ko simula nung todo iwas ako kay Duke. Ang dami ko ding natutunan sa racing dahil sa kanya. Mamimiss ko din ang kakaibang tagalog nya.

“Yes and hindi mo din sinabi sa akin na pinapunta mo din pala ang Darker dito.” untag ko na may halong pagtatampo.

Tumawa sya at mas lalo akong sumimangot. Aba! Nagtatampo na nga ako tapos may gana pa syang tawanan ako.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon