"Jagi..." Sabi naman ni T-Yong tsaka siya sumandal sa balikat ni Marianne kaya napairap naman ako. "Tsk. I deserve a hug right now, Jagi." Parang batang nagtatampong dagdag ni T-Yong.

"Come here, T-Yong. I will hug you..." Nang-aasar na sabi ko kaya tiningnan naman nila kong masama.

"I need my jagi's hug not yours. Tsk! Just hug yourself." Asar na sabi ni T-Yong pero tinawanan ko lang siya.

Tiningnan naman ako ni Marianne ng 'WAG-MONG-LANDIIN-YUNG-PAG-AARI-KO-LOOK' tsaka niya niyakap si T-Yong.

Si T-Yong naman, ayun! PAREHONG-PAREHO sila ng ugali ng girlfriend niya-- 'Cold outside but warm inside'. Kapag nagsalita naman silang dalawa, masasaktan ka nalang kaya mas better kung hindi mo na sila kakausapin kasi mapapahiya ka lang. Si T-Yong yung tipo ng lalaki na kahit tahimik at cold siya pero mararamdaman mo naman kung gaano ka niya kamahal at kung gaano ka kahalaga sa buhay niya. 'Maalaga as fck' according to Marianne. Yung relationship kasi nila, tahimik lang---yung tipong pag nagdate sila, tinginan lang yung mangyayari pero kahit ganon, mararamdaman mo talaga yung pagmamahalan nilang dalawa sa mga tinginan lang nila pero shempre dahil hindi naman ako si Marianne, nakakainis din siya!

"Ihhhh~" Nagpantig nanaman yung tenga ko nang marinig ko yung maarteng tinig na yun---nakita ko sila Daniella at Baekhyun na nagbubulungan tapos maghahampasan ng unan tapos magbubulungan ulit tapos maghahampasan ulit.

Tsk! Kagigil! Akala naman nila nasa music video sila!

Sila Baekhyun at Daniella naman, sobrang CLINGY sa isa't-isa. Pag nagkita sila---sobrang lapit nila na kulang nalang eh mag-isa yung katawan nilang dalawa. Sobrang karos din nila kaya masarap silang pagbuhulin. Alam nyo yun? Yung mga ginagawa nila---akala mo nagshu-shoot sila ng music video. Pag nakasama mo naman sila, umiwas ka na rin dahil nga sobrang kulit nilang dalawa to the  point na hindi na nila naiisip na may nasasaktan silang iba sa paghahampasan nila. Si Baekhyun naman yung tipo ng lalaki na hindi nakakainis yung ka-clingy-han. Sobrang sweet din niya. Hindi man siya palaging may time kay Daniella pero kapag nagsurprise siya---mapapamura ka nalang.

"Say ahh..." Napabaling naman ako kila Xuimin at Shane---Nagsusubuan sila ng cake na akala mo silang dalawa nalang yung nandito sa dorm kaya napangiwi naman ako.

Sila Xuimin at Shane naman sobrang vocal nila sa isa't-isa. Kapag nagkasama na silang dalawa parang props nalang kami sa paligid kasi sobrang focus nila sa isa't-isa. Si Xuimin naman yung tipo ng lalaki na mamahalin ka talaga hanggang sa huli. Perfect couple sila. Kapag nakasama mo naman sila, maiisip mo nalang na hangin o invisible ka kasi hindi ka talaga nila mapapansin kung hindi ka pa sisigaw.

Si Luhan naman nakaakbay lang kay Rane at hindi sila nag-uusap na dalawa.

Si Luhan? Hmm. Ewan ko ba sa lalaking yan kung bakit pa pumupunta dito, eh hindi naman niya masyadong pinagkaka-usap si Rane. Para bang may something kay Luhan na kahit si Rane ay hindi alam. Tapos parang nasa iba pa yung atensiyon niya. Minsan nga gusto ko siyang kausapin at pagkakalabugan dahil sa ginagawa niya kay Rane kaya lang baka sabihin niya sakin na 'Feeling Close' ako kaya hindi ko na tinutuloy.

Huli kong tiningnan sila Jinyoung at Carmela.

Titig na titig si Jinyoung kay Carmela habang tumutugtog ito ng gitara tapos bigla nalang siyang mangingiti. Yung mga titig niya na kahit hindi niya sabihin kay Carmela yung salitang 'I love you' pero makikita mo naman sa mga mata niya at mararamdaman mo---Ganon niya kamahal yung babaeng yan. Si Jinyoung yung tipo ng lalaki na ipaparamdam talaga sayo kung gaano ka niya kamahal.

Napansin ko namang wala sila Rigelle at Lovely sa sala. Hindi na siguro nila natagalan yung nakakaasiwang scene na 'to. Psh.

"Hanggang kailan nyo planong maglandian sa harap ko?!" Inis na tanong ko at napatingin naman silang lahat sakin.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now