Kare-kare,mabuti hindi tumapon ang sabaw nito. Habang sarap na sarap ako sa pagkain, may tumabi sa inuupuan ko. Syempre alam ko na kung sino yan, lagi din siyang pumupunta dito.

"Yum,yum,yum.... Pahingi!" ang ginawa ko naman, kumuha ako sa kutsara ko ng kanin at nilagyan ko ng ulam. At syempre sinubo kay Travis. Sanay na ako na nakikikain siya sa akin.

"-ang charap."

"Don't talk when your mouth is full." pagkalunok niya

"Parang nasa commercial lang eh, naku sawang sawa na ako sa linyang iyan. HIndi ba pwedeng paltan?"

"Eh anong ipapalit ko?

"Wag ka munang mag salita, ayaw kong mabilaukan ka, kasi concern ako sa'yo..." mga ilang segundo ata bago mag sink in sa utak ko ang sinabi niya...

"Ahhh..." na lang ang nasabi ko.. May baon din si Travis pero hindi ako nang hihingi.

"Oh kuha ka..." alok niya sa akin

"Wag na, meron naman ako."

"Sige, kumuha ka na.." pero ang susunod na gagawin niya, ipapasa niya yung ulam niya sa tupperware ko. Tapos ako iiwas ko yung akin, ang ulam niya kasi ay Menudo.

"Travis wag na, thanks na lang. Baka matapunan ako sa palda. Travis naman eh!" dahil nga iniiwas ko yung tupperware, at siya naman ay mapilit mag lagay ng ulam. Natapunan nga ako sa palda ko ng sabaw ng menudo.

Light blue pa naman ang palda namin, tapos ang daming sabaw ang pumatak sa palda ko. Mukha tuloy....

"Ahhh! Sorry! Sorry! " bigla niyang pinahid yung panyo niya sa palda ko.

"Ang maniac naman noon! Tignan mo!" hala, naku naman! may ibang students pala dito sa garden, tapos ibang bagay pa ang naiisip nila na nangyayari. Naku naman!

"Hinihipuan!" sigaw nung isang lalaki sa di kalayuan. Narinig ata ni Travis iyon kaya bigla siyang umiwas...at sinigawan yung mga students

"HOY! MGA G*** KAYO! HINDI AKO MANIAC! PINUPUNASAN KO LANG YUNG NATAPON NA SABAW! MGA GUNG-GONG!"

Pero atleast nawala na din yung stain sa palda ko na mukhang .

"Travis anong section mo?" kasi hanggang ngayon hindi ko pa din alam

"4-Dandelion... Pilot section ako bleh.Inggit ka." wow.. sila yung section na maraming matatalino, kasi sa amin parang section II lang ang dating eh.

"Weh? Maniwala sa'yo sa mukha mong iyan?"

"Aba, Serah gumaganyan ganyan ka na pala ha! Sige papatunayan ko sa'yo na matalino ako!"

"Paano?"

"Kapag naperpect ko ang exam natin ngayon sa Math, English at Science, may gagawin ka para sa akin."

"Hala, ano yun?" kinakabahan na ako ngayon...ano na naman ba ang nasa isip ni Travis

"Tska na yun, madali na yun, tapos kapag hindi ko nagawa, ikaw naman ang may ipapagawa sa akin."

"Ah okay, so dare pala 'to?"

"Yep.yep."

"Okay." sa totoo lang, naisip ko, mahirap ang topic namin ngayon sa Physics, imposibleng maperfect niya yun, isang mali lang niya, panalo na ako! Hahaha, kapag nanalo ako, ang dare ko sa kanya, sasama siya sa akin sa Church. :)

"Hoy anong ngiti yan Serah... Nakakatakot ha?"

"Hahaha, hindi ha..."

"Ah siya nga pala, Serah. Sasama ka ba sa Acquaintance?" yan na naman... di ko nga alam yan..

"Travis, sa totoo lang. Hindi ko alam yang Party na yan, kaya hindi ko alam kung sasama ako." tapos bigla siyang natawa, super tawa talaga.

"Grabe ha? Yun yung party na parang JS Prom pero doon, lahat ng highschool kasali, sayawan."

Nag sink-in sa utak ko, parang JS Prom? Sayawan? Anong damit ang isusuot ko? Sa pagkakaalam ko, mga dress ang ginagamit dyan. Hindi naman ako nag susuot ng ganoon... Pati hindi ako marunong sumayaw....

"Ano sasama ka?"

"Hindi eh... Hehehe.."

"Bakit?"

"Wala akong damit.. Di ba mga dress ang ginagamit dyan?"

"Oo, pero sayang naman kung hindi ka sasama, masaya doon, marami kang makikilala." ngayon pa nga lang, wala sa aking gustong makipag kilala eh.

"Hindi na...Pati hindi ako nagsusuot ng dress na maiikli pati mga sleeveless."

"Conservative talaga..."

"Ay, Travis, alam mo na ba yung nangyari kay Zac?"

"Ha? Ang ano?"

*RING

Nakakaasar naman, hindi ko makwekwento sa kanya yung ginawa ni Zac dahil sa bell, dapat bumalik na kami sa room. Dahil kung hindi malalate kami sa next class. Magkakaroon kami ng minus.

Tumakbo na ako sa Third Building. Kung masususpend si Zac ng 2 weeks? It means hindi rin siya makakasama sa Acquaintance Party? Haysss,, bakit siya na naman ang nasa isip ko ngayon... Tapos nung malapit na ako sa pinaka huling step sa hagdan...

May taong nakatayo sa gitna. Pagkatingala ko.

"Zac?"

"Serah, hindi ko talagang magawa..."

"Ang ano?"

"Ang mag calm down... Nagsisisi ako sa ginawa ko, kinausap ako kanina nung Guidance at masu-suspend daw ako ng dalawang linggo. Dahil na din sa hindi ako nagpaparticipate sa room. Ayaw kong mangyari iyon..." tapos bigla siyang umupo at kinover niya ang kamay niya sa mukha niya...

"Hindi din ako makaka-attend ng Acquaintance....

-Gusto ko pa namang maisayaw ka...."

Cherish YouWhere stories live. Discover now