Narrator: But the judge did not listen to him... So Honesty is the best policy..

Hindi man ganoon kaganda ang ending namin at least napakita sa play namin ang Honesty. Nagpalakpakan na yung mga nanunuod sa amin. Syempre tuwang-tuwa kami dahil mission accomplished na kami! Tapos na ang project namin! Thank you Lord!

Ang galing palang umacting ni Zac, oh baka naman kaya niya talaga yung role na iyon dahil sumisigaw? Hehe..

* * *

Ang bilis ng panahon, August na ngayon pero ngayon iba ang ambiance ng aming room. Kasi kahit saan paligid ako tumingin lahat tahimik or lahat nakaubob sa arm chair. Values pa naman namin ngayon. Katabi ko na pala ulit si Zac, after noong nag usap kami sa Science Laboratory, pagkabalik namin sa room. Nagpalit na ulit sila ni Mariz.

"CLASS!!!!! GUMISING NGA KAYO! MAY GOOD NEWS AKO!" biglang sumigaw si Ma'm Fuentes. Yung mga classmate ko naman inangat na nila yung mga ulo nila.

"-THIS FRIDAY NIGHT, ANG ACQUAINTANCE PARTY NIYO!" after 5 seconds ata, nag sigawan na yung mga classmate ko pati na yung mga boys.

Ano yung Acquaintance Party? Hindi ko alam iyon... Wala kasing ganyan sa school namin noon. Gusto kong tanungin ang katabi ko kung ano yung Acquaintance pero naka ubob na naman siya. Pati nakakahiya, baka sabihin niya ang tanda ko na, hindi ko pa alam iyon.

Gusto ko tuloy kumuha ng Dictionary. Pero malayo ang Library namin, wala naman kasing magpapahiram sa akin ng Dictionary dito sa room eh.

English Subject na kami ngayon at may pinapagawa ang Ma'am namin. Sagutan daw namin yung mga question sa libro pero dapat isulat yung mga sagot sa ibang papel. Oo nga pala, hiram lang pala itong libro, hindi sa amin ito. Kaya hindi kami allowed na sulatan ito.

"URGH! NAKAKAASAR NAMAN! BAKIT KAILANGAN PANG KUMUHA NG PAPEL? HINDI BA PWEDENG DITO NA LANG MAG SULAT SA LIBRO?!" heto na naman ang ugali ni Zac, si bad tempered-guy.

"Sir. Latiev, pwede ka namang magsagot dyan sa libro mo. Pero sa'yo ba yang libro? Binili mo ba yan? Hindi di ba? Hiniram mo lang yan. KAYA GUMAMIT KA NG PAPEL AT DOON MAGSAGOT! NAINTINDIHAN MO?!" siguro napikon na din si Ma'am kaya sinigawan na din niya si Zac. Yung mga classmate namin syempre nakatingin sa side namin.

"F*** YOU!" at biglang dinabog ni Zac ang libro niya sa upuan niya at tinabig si Ma'am. Grabe... Hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko, ang sama ng ugali ni Zac. Ang salbahe niya... Hindi siya marunong gumalang.

Binastos niya si Ma'am, hindi man lang niya naisip na mas mataas ito sa kanya. May pinag-aralan ito tapos gagantuhin lang niya. Biglang napaupo si Ma'am sa sahig at napaiyak.

Gusto ko sanang lapitan si Ma'am pero nauna na yung iba kong classmate. Masakit talaga yung ginawa ni Zac. Sinigawan niya, minura niya at lalong lalo na tinabig niya na parang kabarkada o kasing edaran niya si Ma'am.

Hindi kami masyadong nagklase dahil sa tuwing papasok ang susunod na Teacher, tinatanong nila kung ano ang nangyari kay Mrs. Santos. Ikwekwento naman ng mga classmate ko hanggang mag debatehan na sila tungkol kay Mrs. Santos at kay Zac. Sabi nga nung isa naming Teacher, baka isuspend si Zac ng dalawang linggo.

Pero di pa rin nawawala yung usapang Acquaintance sa topic nila. Ano ba iyon?

Tamang-tama at Lunch na... Nakasanayan ko na na mag baon ng Lunch tapos doon ko kakainin sa Botanical Garden, may piyesto kasi doon na may lilim pati ako lang ang tao dito dahil yung iba ay nasa Canteen.

Binuksan ko na yung tupperware ko... Wow, ang sarap ng ulam na niluto ni Mama! Pero bago kumain, pray muna ako... Pagkatapos... Tinignan ko na ang ulam ko..

Cherish YouWhere stories live. Discover now