1: Dumbass Jerk!

2K 76 14
                                    

Another story. Sana suportahan nyo din kagaya ng pagsuporta nyo sa SMP. God bless you all. :)

*****

Chapter 1: Dumbass Jerk!

Clarenz' POV

"Excuse me po. Excuse! Excuse lang po oh." Haaay sa wakas nakaupo din.

"Grabe, namiss talaga kita Philippines. I miss you so so much!"

After 10 years, ngayon na lang ako ulit nakabalik dito kaya naman pakiramdam ko bago ang lahat. Galing kasi ako ng America, 'dun ako tumira at nagaral ng elementary at highschool pero hindi ko 'yun natapos dahil napagpasyahan ni mama na ibalik ako sa Pilipinas.

Hindi kasi ako welcome dun, I mean, sa mga kaklase ko doon. Palagi akong binubully dahil nga daw hindi ako isang Amerikana. Hindi ko alam kung anong problema pero hindi ko na talaga kayang manatili pa doon. Kaya naman, nagpasya na si mama na ibalik ako sa Pilipinas para makaiwas sa lahat.

Dalawa na lang kami ni mama, bata pa lang ako'y wala na akong kinagisnang ama. Well, niloko lang naman kasi sya ng magaling kong ama. Inanakan lang tapos ayun, bigla na lang iniwan.

"Okay, Clarenz Kier hinga. One, two, three. Inhale, exhale, inhale, exhale."

Natigil ang pagrerelax ko nang may bigla na lang nagsalita mula sa kanan ko kaya naman napalingon ako sakanya.

"Clean my house, I'll be there at exactly 10. Get it?" Sabi nya.

Hindi ko kaagad naalis ang mga mata ko. Ewan, siguro dahil ang kinis ng mukha nya? Yes. Ang kinis ng mukha nya, at grabe lang, dinaig nya pa ako.

Naka shades sya kaya naman hindi ko maaninag ang mukha nya.

"Next stop, Corazon Hills. Corazon Hills, next stop"

Corazon Hills? Shocks! Dito na yung boarding house na sinasabi ni mama!

"Stop!" Sigaw ko. Agad ko namang kinuha ang bag ko at dali daling bumaba sa airport bus.

Nakababa na ako at kasalukuyang nagaabang ng taxi ng bigla ko na lang mapansin na... SHIT! YUNG BAG KOOO!!!

Sinubukan ko pang habulin yung bus pero wala na, nakalayo na ito.

Ang tanga ko talaga! Huhuhu. Ibang bag yung nadampot ko! Hindi akin 'to eh. Shet naman oh! Anong gagawin kooo?

Naiiyak na ako, nagugutom at natatakot. Hindi ako sanay sa lugar na 'to. Wala akong alam na lugar sa Pilipinas, paano at saan ko hahabulin yung bus na 'yun? Mama tulungan mo ko. Huhu.

Sakto namang may nakita akong bench sa may 'di kalayuan, umupo ako doon kasama ng napakalaking bag na bitbit ko. Actually, maleta talaga ang tawag dito. Ang laki eh.

"Ma, anong gagawin ko? Wala akong alam dito, saan ako pupunta? Mama miss na kita..." Naiiyak na bulong ko.

Madaming nagdaraan na tao, lahat sila tinitignan ako. Siguro iniisip nilang nababaliw na ako. Sino ba naman kasing mag aakalang matino ako, eh iyak ako ng iyak dito? At sino ba namang hindi iiyak gayong naliligaw na nga ako, wala pa akong pera tapos yung cellphone ko pa nasa bag ko... Na dahil sa katangahan ko, naiwan ko sa bus. :"(

Saglit pa akong natulala bago ako nakaisip ng paraan. Oo, tama! Buwis buhay na 'to!

Binuksan ko ang bag at sa pagbukas ko, ang dami kong nakita. Mga damit na mamahalin, pabango, sapatos at kung ano ano pa. May nakita din akong birth certificate, passport at ilan pang mga documents.

The Deal Where stories live. Discover now