4: Raven Evil Man.

1.4K 45 8
                                    

Chapter 4: Raven Evil Man.

 

"Mapapatay ko na si Raven. Mapapatay ko na si Raven. Mapapatay ko na si Raven. Mapapatay ko na si Raven. Mapapatay ko na si Raven."

 

"Bago mo ako patayin, patayin mo muna yung apoy ng niluluto mo. Amoy sunog na"

 

"What the crap! Yung hotdog kooo!" Nagmamadali akong tumakbo papuntang kitchen, agad kong pinatay yung apoy saka ko kinuha yung hotdog kong hindi na mukhang hotdog. Seryoso hindi na talaga sya mukhang hotdog, huhu. Mukha na pong uling. Ajujuju.

"Ano ba naman 'yan, hotdog na lang nasusunog pa" Kantiyaw nung bwisit.

"Ewan ko sayo! Kasalanan mo 'to eh."

 

"At paano ko naging kasalanan?"

Paano nga ba? Ako naman talaga 'tong naka-nganga habang nagluluto 'di ba?

"Basta, kasalanan mo talaga 'to!" Ang taas ng pride ko dahil pinagpilitan ko talaga na kasalanan nya iyon.

"Hoy bansot, umalis ka na nga lang d'yan!" Sabi nya saka nya ako hinawi do'n sa tapat ng stove.

"Mukha mo bansot! For your info hindi ako bansot!

 

“Bansot ka!”

 

At dahil nga sa naiinis talaga ako, hinayaan ko na lang siya do’n sa kitchen. Umupo na lang ako sa couch ‘di kalayuan sa kinaroroonan nya. Binuksan ko ‘yung TV at kunyari’y nanood. Kunyari kasi hindi naman talaga ‘yung palabas ‘yung pinapanood ko, walang iba kung ‘di siya.

Masama ang ugali ni Raven, may pagka hambog at barumbado. Napakafeeler pa na akala mo siya na ang pinaka—guwapong lalaki dito sa Pilipinas. Pala utos at akala mo nabili nya na ako. Pero may good side din naman pala siya eh ‘no? I mean, good kasi may pakialam siya sa hotdog. Seriously, sa hotdog lang.

Okay ang OA ko. Pero basta! I hate Raven!

“Don’t stare at me like that, I’m melting.”

Napa—HAH?! Na lang ako dahil sa sinabi niya, ‘yung totoo may mata ba siya sa likod? Paano niya nalamang tinititigan—este tinitignan ko siya?

“Hoy kapal mo, hindi kita tinititigan ‘no! May lamok lang na dumaan kaya napatingin ako sa ‘yo! Kapal mo ah!” Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa naging rason ko.

Ano ba Clarenz? Saan mo nakuha ‘yung lamok na dumaan? Adik ka talaga eh ‘no?

Napatayo na lang ako at padabog na umakyat sa kwarto ko, kumuha ako ng ballpen at papel at saka ako bumaba at bumalik sa inuupuan ko kanina. Gagawa ako ng kontrata, gagayahin ko ‘yung napanood ko sa TV kanina, ‘yung may kontrata sila para wala lang. Hehe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Deal Where stories live. Discover now