S18: Behind Those Sunglasses

124 1 0
                                    

S18: Behind Those Sunglasses



~Adrian's POV~


"Daisy?" sagot ko sa tawag. It's my new secretary in replacement of Mr. Arnold. Nag-retire na siya last year since may edad na rin. And now her daughter is working for me.


"Uh, Sir. Pinapatawag po kayo ng Board of Trustees."


Mula sa pag-iimpake ay napatigil ako. Tumaas bigla ang kilay ko. "Really? Bakit daw?"


"Confidential daw, Sir. Basta pumunta na lang daw po kayo."


Bumuntong hininga ako saka sandaling ipinikit ang mata. "Tell them I can't go. I've already filed a letter of absence for two weeks. Hindi mo pa ba naibibigay sa kanila?"


"Nabigay ko na, Sir. Looks like importante po talaga ang sasabihin nila."


Napatingin ako sa mga anak ko. Masigla nilang nilalagay isa-isa ang kanilang mga laruan sa loob ng maliit nilang backpack habang inaalalayan sila ni Heart.


Fvck those bastards!


Huminga ako ng malalim saka pikit-matang sumagot. "Okay. I'll be there."


"Noted."


I ended the call. Dinilat ko ang mga mata ko saka humarap sa kanila habang sinusuot ang coat ko.


"I'll be out for a minute." sabi ko saka hinalikan sila isa't-isa.


Naguguluhan akong hinalikan din ni Heart. "San ka pupunta?"


"Office." tugon ko. "May sasabihin daw ang Board of Trustees, eh. Don't worry. Tatawagin ko na lang yung driver para ihatid kayo when you're all ready."


Dismayadong tumango si Heart. "Sure. But sumunod ka agad, okay? Baka ma-late tayo ng flight sa States. Maiwan ka pa."


Ngumiti ako saka hinalikan ulit siya. "Bye."


Yumakap siya sandali. "Bye."


Lumabas ako ng kwarto. Nang makalabas ng bahay ay tinawag ko ang driver para ihatid ang mag-iina ko mamaya. Pagkatapos ay sumakay ako ng kotse para makarating na agad sa company building.


After several minutes, nakarating na ako sa building. I quickly went out of my car and walked until I reached my office. There I saw the BOT sitting in my sofa.


"What do you want?" sabi ko pagkasara ng pintuan. "At bakit kayong dalawa lang? Where are the others?" sabi ko nang mapansin sila lang ang tao doon.


"Well, good thing you agreed to come here." nakangising sabi ni Ron. "Their busy, as always."

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageKde žijí příběhy. Začni objevovat