S8: Chase Her

162 7 0
                                    

S8: Chase Her



~Adrian's POV~


Sinubukan ko uling tawagan si Sam. Pero, ganun pa rin, hindi niya ako sinasagot. Limang araw na niya akong hindi pinapansin.


It's stressing me out!


I looked through my contacts. Wala na akong ibang matawagan na pwede kong isama palabas.


Hmm.... How about Wendy? Sa pagkakaalam ko, kaibigan niya si Samantha. She gave her number before to inform me where's Sam. Dati kasi, eh lasengera yan. Buti na lang at nagbago na siya.


I pressed the call button. Nilapit ko ito sa tenga ko. Naka-ilang ring ito bago sumagot.


"Hel--"


"Huwag ako ang tawagan mo. Pumunta ka dito sa apartment niya, suyuin mo si Samantha, dahil ito, nag-iimpake na. Paalis papuntang Italy." saka niya pinatay ang tawag.


Hindi ako makapaniwalang tumingin sa phone ko.


Grabe yung babaeng yun! Hindi man lang nag-bye?


Pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya.


Si Samantha? Paalis? Papuntang Italy?


Napagdesisyonan kong puntahan siya. Sumakay ako sa kotse. Pero imbes na dumiretso doon ay tumigil muna ako sa isang flower shop na pagmamay-ari ni Thalia. Pumasok ako doon at mabilis na lumapit sa kanya.


"Good morning, Si--" Napatigil siya sa pagsasalita nang makita ako. "Adrian? Bakit ka nandito? Kagagaling mo lang dito nung isang linggo, ah?"


"Saka ko na lang sasabihin sayo, Lia. What I need now is a bouquet of roses." nagmamadali kong sabi. I know Samantha. Kapag nakaabot sa kanya ang pagtawag ko kay Wendy, paniguradong magmamadali yon. I don't wanna miss the chance.


Nanunuksong ngumiti sakin si Thalia. "Sus! Sige na nga. Bayad muna." saka niya binuksan ang palad.


Kinuha ko ang buong P1000 bill sa bulsa ko.


"Here, keep the change." inabot ko sa kanya ang pera na agad naman niyang tinanggap. "The roses?"


Kinuha niya ang roses mula sa mga nakasabit sa dingding. Mabilis niyang inabot sakin yun. Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang braso ko.


"Sino ba yang nililigawan mo?"


"I don't have time, Tha--"


"Pangalan lang ang hinihingi ko, eh. Baka kilala ko yan."


SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang