S7: Think Twice

168 6 0
                                    

S7: Think Twice



~Samantha's POV~

The Next Day


I will be avoiding Adrian for the mean time. Gusto ko na kasi mag-move on. Siguro saka ko na lang siya papansinin at lalapitan ulit kapag wala na akong feelings sa kanya. 


Yung wala nang chance na mamahalin ko pa siya. Yung kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. No more, no less.


Tinakasan ko siya kahapon habang bumibili siya ng popcorn. Hindi ko na kasi nakayanan ang pag-iyak ko eh. Ayokong makita niya akong ganon.


Lumabas na ako ng apartment para pumasok sa trabaho. I made sure to unplug all the appliances and to lock the door.


Pumunta ako sa sakayan ng bus. Umupo muna ako saglit dahil wala pang dumadaan na bus. Kinulikot ko muna ang cellphone ko at nagulat ako sa dami ng missed calls at messages na natanggap ko.


Lahat galing kay Adrian.


7 missed calls and 12 messages.


Binasa ko ang unang message.


From: Adrian

Samantha, text back ASAP. Nag-aalala na ako. Nasaan ka na ba?

Sent: 5:53


Hindi ako nakuntento at binasa ko ang pangalawang message.


From: Adrian

Text me back, Sam. Tinakasan mo ba ako? Did I said or do something wrong?

Sent: 5:55


Napatingala ako nang may tumigil na bus sa harap ko. Mabilis kong ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Tumayo ako at lumapit sa bus. Akmang sasakay na ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Samantha!"


Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Adrian na lumabas mula sa sasakyan niya at tumakbo papunta sa bus.


At that time, I was confused. Hindi ko alam kung sasakay ba ako sa bus o lalapit ako sa kanya.


Kusang gumalaw ang paa ko paakyat sa bus. Pagka-akyat na pagka-akyat ko ay umandar na ang bus. 


Mabilis akong umupo sa pinakalikod at nakita ko si Adrian na hinahabol ang bus hanggang sa tumigil siya at hinabol ang hininga.


Hinilig ko ang ulo sa harap. Mariin kong pinikit ang mga mata.


I want to avoid him but I feel like I'm gonna die if I would.


<><><><><><><><><><>

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageWhere stories live. Discover now