CHAPTER 42: PLAYFUL KISS

1K 20 1
                                    

Yesha's POV

Pagkatapos naming manuod ng sine at kumain ni Arken. Nagyaya na akong umuwi na ng bahay.

Tahimik lang ako habang palabas kami ng mall ni Arken. Inakbayan niya ako at nakangiti itong kumaway-kaway sa harapan ng mukha ko.

Napabuntong hininga lang ako sa ginawa nito. Wala ako mode makipag-biruan dito.

"Are you okey?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Arken nang makasakay na kami sa sasakyan nito.

Sinipat nito ang noo ko pagkuwan ay ito na ang nag-kabit ng seatbelt ko.

"Napagod lang siguro ako." matipid na sagot ko dito at isinandal ko ang ulo ko pagkuwan ay pumikit ako.

Bigla akong nag-mulat ng mata nang maramdaman kong parang hindi umaandar ang sasakyan.

Si Arken agad ang natunghayan ko. Nakatitig lang ito sa'kin.

"May masakit ba sa'yo? Itatakbo na ba kita sa hospital?"

"Umuwi na tayo, gusto ko ng magpahinga." kibit balikat sa turan ko dito.

Sa gilid ng aking mga mata napapansin kong panay ang sulyap nito sa'kin. Bumuntong hininga lang ako. Wala akong maapuhap na sabihin dito.

Nang makarating kami sa bahay ni Arken. Wala parin akong imik na bumaba ng sasakyan.

Akma na sana akong papasok sa loob ng bahay nang bigla akong huminto at nilingon ko ito.

"Oppa." agaw pansin ko dito.

Maang itong napatingin sa'kin. "Yes?"

"Tapos na ang graduation mo diba? Hanggang kailan ka ba dito?" tanong ko dito.

"Hanggang sa matapos ang internship mo sa hospital." sagot nito.

"Umuwi kana sa Manila or sa Tarlac. Ayoko ng makita kita dito."

Sarkastiko itong tumawa. "Pinapalayas mo na ba ako sa sarili kong pamamahay?" nakangiting saad nito.

Matiim ko itong tinignan.

"Can you see the point? Huwag mo akong sanayin ng ganito!" biglang singhal ko. "Kung aalis ka, umalis kana ngayon habang kaya ko pang mabuhay na wala ka. Kasi ako handa na akong kalimutan ka. At kung masasanay nanaman ako sa mga pa-sweet moves mo, mababaliw nanaman ako sa'yo! Mahihirapan lang akong mag-move-on!" mangiyak-iyak na litanya ko dito.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon