CHAPTER 15: STUPID CUPID'S

948 16 2
                                    


Yesha's POV

Sunday. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kumurap-kurap ako pagkuwan ay iginala ko ang aking paningin sa paligid.

Oh my! Nakatulog pala ako sa sala. Opps! Wait, katabi ko si Arken diba? Nasaan na ang gagong 'yon?

Naulinigan ko si Arken sa kusina. Napahawak ako sa tiyan ko, bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa amoy na nanggagaling sa kusina.

Bago ako pumunta sa kusina iniligpit ko muna ang mga pinag-higaan namin ni Arken.

"Anong Meron?" puna ko kay Arken.

Bakit parang ang dami yatang niluluto ng gagong 'toh. May carbonara, lumpiang shanghai at kung ano-ano pa.

Lumapit ako dito at humalukipkip. Mataman ko itong pinagmasdan, para itong chief sa ginagawa nito. Bilib ako sa pagluluto nito, pwede na nga itong magtayo ng sarili nitong restaurant dahil sa sarap nitong magluto.

"Pwede na ba akong mag-asawa?" nakangiting baling sa'kin ni Arken.

Tinaasan ko lang ito ng kilay pagkuwan ay lumakad na ako palabas ng kusina.

"Umupo kana dito, malapit na akong matapos." pahabol nito.

"Sa labas na ako kakain." turan ko. Dire-diretso na akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Lumipas ang kalahating oras lumabas na ako ng kwarto ko.

"Oppa, I have to go!" paalam ko dito.

Akma na sana akong lalabas ng bahay nang marinig ko ang eksaheradong hiyaw ni Arken.

"Aahh!"

Patakbo akong bumalik, pagkuwan ay tinungo ko ang kusina kung saan naroon si Arken..

Agad akong lumapit kay Arken. Hawak ng kaliwang kamay nito ang daliri ng kanang kamay nito. Nasugatan ang hintuturo nito.

"Ang chakeet...chakeet..!" parang batang sumbong nito sa'kin sa pa-bulol sa pagkakabigkas.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon