CHAPTER 6: PAPANSIN PA MORE

1.3K 26 1
                                    

Yesha's POV

"Wala ka bang pasok?" tanong ni Arken sa'kin habang nag-sasalansan ito ng mga pinamili namin sa grocery.

"Meron, 1pm." matipid na sagot ko.

Tinignan ko ang oras. Alas onse na ng tanghali.

"Bakit ikaw, hindi ka ba papasok?" tanong ko at tumulong narin ako sa pagsasalansan.

"A-absent muna ako, sumasakit kasi ang paa ko." tugon nito.

"Bakit, ang paa mo ba ang mag-aaral? " pamimilosopo ko dito.

"Sutil ka talaga kahit kailan!"

Ngumisi lang ako dito pagkuwan ay ipinakita ko sa kanya ang mga hinugasan kong prutas.

"Saan ko ito ilalagay? Sa refrigerator or dito nalang sa ibabaw ng lamesa?"

"Hmmm... sa CR nalang para masaya." tugon nito sa pilyong himig.

Tinasaan ko lang ito ng kilay. Gumaganti ka ah.

Maya't-maya ay paika-ika na itong lumabas ng kusina.

"Anong ulam natin ngayong pananghalian?" pahabol na tanong ko.

"Ulam ng mga taong hindi makapag-move on." sagot nito. Diri-diritso ito ng sala.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon