CHAPTER 19: PASAWAY

1K 18 0
                                    

Yesha's POV

Alas singko ng umaga, nagising ako sa lakas ng kidlat. Bumangon ako at napayakap ako sa aking sarili ng maramdaman ko ang sobrang lamig. Kinuha ko ang makapal na kumot sa ibabaw ng kama ko at ibinalot ko iyon sa sarili ko.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko nang kumidlat ulit.

"Ahh!" tili ko nang biglang nag-brown-out. Nangangapa akong pumunta kay Arken.

Akma na sana akong kakatok sa kwarto nito nang matigilan ako ng biglang bumukas iyon. May taong nakaputi na sumulpot sa harapan ko, naiilawan ng matinding liwanag ang mukha nito.

"Ahhh!" malakas na tili ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko na alam ang sumunod na sandali.

Pagdilat ko ng aking mga mata, bahagya pa akong nasilaw sa sobrang liwanag ng ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Arken. Suot nito ang lab-gown ko.

Naningkit ang mga mata ko ng marealize ko ang ginawa nitong pananakot sa'kin.

Agad akong bumangon at hinampas ko ang balikat nito.

"Aray!" angil nito. "Masakit 'yon ah!"

"Masasaktan ka talaga sa'kin!" nanggagalaiting sambit ko.

Tawa-tawa lang ito habang umiilag.

"Halla! Ang landi mo bess! Hinaharot mo ako ah! Chansing pa more" pang-aalaska nito.

"Yak! Mukha mo!" palatak ko. Habang ne-re-restling ko ito.

"Pwede ka ng sumali sa X-factor o kaya naman sa W-champion!" patuloy ito sa pang-aasar.

Bigla akong natigilan ng biglang kumidlat ng malakas. Nagsumiksik ako sa bisig nito sabay tili.

Tawa lang naman ng tawa si Arken.

"Akala mo kung sinong siga noh! Sa kidlat pala tumitiklop na!" anito sabay tawa.

"Bakit ikaw hindi ka ba natatakot?"

"Nope." kaswal na tugon nito. "Alam mo ba kung anong technique 'pag kumikidlat?" seryosong tanong nito.

Umiling-iling ako.

"Mag-pose ka lang ng ganito oh!" tugon nito at de-ne-monstrate pa nito ang mga pose na---- wacky pose, pa-cute pose at pa-inosent pose.

Kinurot ko ito. "Niloloko mo ba ako?"

"Hindi nga!" sagot nito at sinundan nito ng bungisngis.

Pinakita ko kay Arken ang braso ko. "Gusto mo bang i-untog kita sa muscle ko para makakita ka ng star sa umaga ha!"

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon