CHAPTER 4: YOU AND ME UNDER THE FOG

1.2K 25 0
                                    

Yesha's POV

"Yesha!"

Mula sa librong binabasa ko, nag-angat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko. Patakbong papalapit sa kinaroroonan ko ang dalawang kaibigan kong sina Lydah at Fatima.

"Kaloka ka girl! Nandito ka lang pala eh!" humahangos na wika ni Lydah.

"Bakit? Anong meron?" patay malisyang tanong ko.

"Si fafa Arken, isang kembot nalang makikipagrambulan na sa gym!" ani Fatima sa himig na nag-aalala.

"Oo nga girl! Ang init-init ng ulo niya habang naglalaro. Tinambakan na nga sila ng kalaban nila eh!" pagbibigay alam ni Lydah.

"So?" baliwalang sambit ko. "Walang may paki' ."

Oo nga pala, ngayon pala ang laro ni Arken sa basketball. Binilinan pa man din niya akong manood sa laro nito. Manigas siya, wala akong pakialam kahit matalo pa ang mga ito.

"Tara pumunta na tayo sa gym!" pa-tiling ani Fatima.

"Kailangan ni fafa Arken ng moral support! Girl, isantabi mo muna ang awayan niyo. In a first place kababata mo parin siya!" eksaheradong saad ni Lydah.

Bigla kong naalala ang text message ni Arken sa'kin.

"Bess, para sayo ang laro kong ito."

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon