Arken's POV
Kinabukasan. Habang bumababa ako ng hagdan, dinig na dinig ko ang pag-awit ni Yesha. Humagikgik ako at napailing-iling. Sinilip ko si Yesha kung ano ang ginagawa nito. Nagluluto ito habang kumakanta at sinabayan nito ng sayaw.
Kapag tumibok ang puso...
Wala ka ng magagawa,
Kundi sundin ito...
Lagot kana..
Siguradong huli ka...Dahan-dahan akong lumapit kay Yesha. Sinamantala ko ang pagkatataon habang nakatalikod ito. Pagkuwan ay ginulat ko ito.
"Bulaga!"
"Ayy! Kabayo!" Eksaheradong tili nito.
Tumawa lang ako sa naging reaksyon nito.
"Ang ingay-ingay mo, hindi kana naawa sa mga taong nakakarinig ng boses mo!"
"Ang ganda kaya ng boses ko! Pang-recording ang peg." pagmamalaki nito.
"Ang sabihin mo pwede ng i-tape--- . I-tape ng duct-tape ang bibig mo."
"Halla! Grabe ka sa'kin!"
"Nakakasira ka kaya ng ear-drum!" patuloy na pang-aasar ko dito.
Umismid lang ito pagkuwan ay itinuloy nito ang pagluluto.
"Anong naisip mo't nagsipag-sipagan kang magluto ha!" puna ko sa ginagawa nito.
"Wala lang, inspired lang ako kay fafa Lee Min Ho." kinikilig na sagot nito.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove With My Mortal Enemy
HumorAso't pusa kung matatawag sina Arken at Yesha. Sa tuwing magkasama sila ay may giyera sa pagitan nila. Number one basher nila ang isa't-isa. Away dito, away doon. Subalit hindi naman nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. W...