CHAPTER 2: DATING WITH MY ENEMY

1.9K 31 1
                                    

Yesha's POV

In a half hour. Lumabas na ako sa aking kwarto. Naka-long-dress ako. Nakalugay ang long hair ko. Nagpahid lang ako ng simpleng make-up at nag-high-hills ako na sandal.

Pag-angat ng mukha ni Arken. Agad na nag-salubong ang mga mata namin. Bahagya pang napa-awang ang labi nito tila natulala ito ng makita ako. Sa mga mata nito ay naaninag ko ang paghanga nito sa'kin at that moment. Syempre ah! Ang ganda ko kaya. Haha!

"Oppa, shall we go?" basag ko sa katahimikang namagitan samin.

Tumayo si Arken at lumapit ito sa may hagdan. Nakatingin parin ito sa'kin habang bumababa ako. At sa tingin na iyon ay nakaramdam ako ng tensiyon. Maya't maya sa gawing pa-kurba ng hagdan ay na-out of balance ako sa taas ng sandal ko.

"Ahhh!" tili ko. My voice echoed entire house.

Pagdilat ko ng aking mga mata nakatunghay na sa'kin si Arken. Oh shocks! Most embarassing moment in my life ever. Parang gusto ko ng maglaho sa mga sandaling iyon.

"Bess, are you okey?" nakangiti ngunit nag-aalang tanong ni Arken sa'kin.

"Nahulog ako! Sa palagay mo ba okey ako? " singhal ko dito.

Inalalayan niya akong tumayo. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at pina-ikot-ikot niya ako. Sinuri nito kung may galos ako sa ulo at sa kamay.

"Bitawan mo nga ako!" iritabling sambit ko dito.

"Ano Bess, tatawag na ba ako ng ambulansiya.?" tawa-tawang pang-aasar nito.

"Sige tawa ka pa susuntukin na talaga kita." banta ko dito.

Humalakhak ito ng malakas tila hindi natinag sa banta ko. "High-hills pa more!"

Hays! Ang sarap batukan ng mokong na 'to ah! Nakakagigil! Tuwang-tuwa pa sa epic-fail ko.

"Sayang hindi ko nakuhanan ng video! Isesend ko sana kay Marc Logan." patuloy nito habang tumatawa.

Siniko ko ang dibdib nito. "Ewan ko sa'yo!" matalim ko siyang inirapan at nauna na akong lumabas ng bahay.

Sa loob ng sasakyan tahimik na nagmamaneho si Arken. Ako ay nakatingin lang sa dinaraanan namin. Sinulyapan ko aking wrist watch. Alas-sais na ng hapon.

"Oppa, saan tayo pupunta?" basag ko sa katahimikan.

"Sa SM. " matipid na sagot nito.

Hindi na ako muling nag-usisa pa. Dahil ayokong ma-istorbo ito sa pagmamaneho.

"Aba!" bigla ay palatak ko. "Hanep! sa daan pa talaga sila naglandian ah! " puna ko sa magkasintahan na nadaanan namin.

"Sus! Inggit ka lang, kasi ikaw wala kang love-life. " pang-aasar nanaman ni Arken sa'kin.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon