CHAPTER 35: KILIG MUCH

928 20 0
                                    

Yesha's POV

Agad akong tumakbo sa terrace nang marinig ko ang pagsara ng maliit na gate sa may gawing likod ng bahay.

Nakita ko si Arken. Nakasuot ito ng pang-jogging. May face-towel pang nakasampay sa balikat nito.

Saan siya pupunta? Eh Graduation na nila mamayang hapon.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa kwarto ko nang makita kong sumakay ng taxi si Arken.

**
Arken's POV

Burnham Park Baguio City.

Habang nag-jo-jogging ako, walang ibang laman ang isip ko kundi si Yesha. Ang lakas ng loob nitong ligawan ako. Hindi ko alam Kong maniniwala ba ako rito sa mga pinaggagawa nito. Malinaw parin kasi sa isipan ko ang narinig kong pakikipagpustahan nito sa mga kaibigan niya.

Paano ako maniniwala sa isang pilyang babae?

Maya-maya ay bigla akong huminto sa pagtakbo. Pinagmasdan ko ang burnham lake. Namaywang ako at humugot ako ng malalim na hininga pagkuwan ay marahan kong pinakawalan iyon.

"Hi mamang pogi."

Napapitlag ako nang mula sa kung saan ay biglang sumulpot sa tabi ko si Yesha. Speaking of the devil! Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kaba ko. Nagulat ba ako? O sadyang gano'n talaga kalakas ang epekto nito sa'kin?

Tinignan ko ito. Matamis ang ngiti nito. Agad akong nagbawi ng tingin nang hindi ko matagalan ang paraan ng pagtitig nito sa'kin.

"Bakit ka nandito?" kaswal na tanong ko dito.

"Sinasamahan kang mag-jogging." walang prenong sagot nito.

"Binasted na kita kagabi diba?"

"Alam mo kahit ilang basted pa gawin mo sa'kin, hindi mo ako mapapasuko ng gano'n-gano'n lang!" walang kaabog-abog na hayag nito.

"Hindi ko alam na ganyan pala ka-kulit manligaw ang babae. Tsk! Tsk! Tinalo mo pa akong lalaki ah!" nagkibit ako ng balikat.

"Naman!" eksaheradong bulalas nito. "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape 'no! Pustahan tayo, bibigay ka rin sa'kin!

Umiling-iling ako sa tinuran nito.

"Wala kana bang natitirang konting kahihiyan para sa sarili mo ha! Matalino ka naman, pero saan mo ginagamit 'yang utak mo? Sa pagsunod-sunod sa'kin? Sa panliligaw sa'kin? And what is the price? Isang mamahaling cellphone?" Mariin kong sambit dito.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon