Chapter Seventeen

163 6 0
                                    

Chapter Seventeen


"ARAY NAMAN!" Sigaw ko nang tumama ang malaking karton sa ulo ko.


"LABAS!" Namumulang sigaw ni Kenjel sa akin.


Tinawanan ko sya. "Kung makasigaw! Flatchested ka naman!" Nakapamulsa at humahalakhak na lumabas ako ng dressing room.


"Ano yun? Huh?" Nakangising tanong sa 'kin ni Nelgen paglabas ko ng dressing room.


"Wala!" Natatawang sabi ko. Tapos tiningnan ko yung stage nitong Theatre Club. "Okay na?"


"Oo. Saka yung dalawang chix dun, puntahan mo na." Tinuro nya yung unahang upuan.

Tinap ko lang yung balikat nya at pumunta dun sa dalawang nasa unahan. Parehas silang naka-uniform pa. Nang makita naman nila ako, ngumiti sila at tumayo. Nandito sila para raw manood ng last rehearsal bago ipalabas bukas ng alas singko.


"Wow! Ang gwapo ng prinsepe ng friend namin ah?" Sabi ni Rica habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Suot ko na kasi yung costume.



Nagpogi pose naman ako. "Ako pa ba?"


"Oo nga. Ang pogi. May pera ka ba?" Sabi naman ni Wendy.


Natawa naman ako dun. "Yun lang! Wala akong pera. Kaya pala ang tindi ng pambobola nyo dahil sa hidden agenda'ng yan ah?"

Tumawa sila parehas. Natawa na din ako. Tapos tinuro ko yung dressing room. "Nasa dressing room pa si Ken. Pinag-iisipan nya pa kung magsusuot ba talaga sya ng gown."

Natawa tuloy silang dalawa.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng araw na 'yon. Natawa ako nang maalala na nung sabihin ko ang pamatay kong linya kay Kenjel ay isang jab ang tumama sa dibdib ko at sigaw nya. Pero ang bottomline ay nakumbinsi ko syang ayusin ang problema nya sa dalawa nyang kaibigan. At ngayon, isang bagay nalang ang tingin kong kulang. Mali, dalawa pala.

"Ano na? Tara na!"

Napalingon kami nang marinig ang bruskong sigaw ni Kenjel. At literal na napaawang ang labi ko nang makita sya. Si Kenjel ba talaga 'to?


Hindi pa naman sya nakagown dahil sa dulo pa yun ng play. Naka-plain dress lang sya na customized para magmukhang madumi. Pero hindi yun ang bagay na nakapagpaawang ng labi ko. Nakalugay yung buhok nya na alon-alon. At wala na yung bangs nya.

Naramdaman ko kung paanong bumilis ang heart beat ko. Sobrang lakas pa habang nakatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko nga, naging blurred na yung paligid maliban sa kanya. Shet, ano ba 'to! Nabalik lang ako sa reyalidad nang sikuhin ako ni Wendy at parehas sila ni Rica na natatawa.

"Uyyy."

"Halatang-halata ka." Natatawang sabi ni Wendy.

Napakamot naman nalang ako ng batok. "Di nga?"

Tumawa sila.


Enigmatic Stubborn StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon