Forever 56

989 80 13
                                    


Mabilis na uminit ang ulo ni Alden. Sa kabila pa kasi ng mga problema ay may natanggap pa siyang mga mensahe sa isang hindi kilalang numero na nagsasabing may kinalaman ang kapatid niya sa mga nangyayari. Dahil sa galit niya ay muntik pa siyang naniwala. He even confronted his sister. Which is very wrong. Kahit na anupang sinabi na mga mensahe ay hindi siya maniniwala, his sister is not capable of doing these things. Ang naiintindihan lang niya ay ginugulo sila ngayon ng kung sinumang kumuha kay Kerry Anne.


Gulong-gulo na ang isip niya. Hindi niya alam kung ano o sino na ang kanyang paniniwalaan. He wanted to blame Harry for leaving Kerry Anne on her own. Pero hindi tama iyon. Knowing the woman's stubbornness. Alam niyang walang nagawa si Harry kundi pumayag. And who would even think na mawawala pa ito kung nasa kulungan na si Bea?


Pati rin si Harry ay aburido. Pareho silang nagpapanic at nakausap na nila ang lahat ng puwedeng makausap. Napuntahan din nila ang lahat ng lugar na maaaring pinuntahan ng babae pero hindi nila ito nahanap.


Ang nakakatakot pa niyan ay dumilim na ang paligid. They are now believing na may kumuha talaga dito, worst case scenario.


*****

Ang usapan nina Charmaine na magkakaibigan ay 7:00 p.m dapat nandoon na sila sa bahay nina Maiden para mag movie marathon. Naisipan nilang i-spend ang weekend doon since wala ang parents ni Maiden. Pumayag din kaagad si Charmaine dahil wala lang dinamg Daddy niya na nagpunta sa Baguio.


Naunang dumating doon si Nichard. Sumunod ang isa pa nilang kaibigan na si Santiago aka Santi, anak ng Tita Nadine at Tito James. Siya ang pangatlong dumating. Pero matagal na mga minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin dumarating si Bradley. Naghintay sila.


Makalipas ang isang oras ay nagpasya silang kumain. Over dinner, they shared stories of their week. Mas lalo kay Santi dahil matagal na hindi nila ito nakakasama.


Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na rin silang magsalang ng mga movies kahit na wala pa si Bradley. Mag-aalas nuwebe na ng dumating ito na tila pagod.


"Sorry guys kung ngayon lang ako." apologetic nitong wika nang papasukin ito ni Nichard.


"Saan ka ba galing pre?" tanong dito ng huli.


"Oo nga." mabilis na singit ni Charmaine na may himig na nagtatampo. "You did not even answered my calls."


"Sorry na." sagot ng lalaki. Lumapit ito kay Charmaine at niyakap. "Nasa biyahe ako kanina. Nakatulog ako."


"Biyahe?" tanong naman ni Santi na kanina pa nakikinig ag nanonood sa kanila. "Saan ka bumiyahe pre?"


"Sa Baguio." tipid na sagot ni Bradley.


"Wow!" malakas na sabi ni Maiden. "Hindi man lang nag-imbita."


"It's not what you think. My aunt called me if I could drive her car doon. Pumayag naman ako. Ang hindi ko alam ay magko-commute pala akong babalik kasi may iba pa daw siyang dadaanan." Bradley explained. "I am really tired."


"Ok lang yan pre." muling sabi ni Nichard. "Teka, kumain ka na ba?"


"Hindi pa nga eh. I think nagutom pa ako sa biyahe."


Tumayo si Charmaine at pinaupo ang kasintahan. "Umupo ka lang diyan. Ikukuha kita ng pagkain sa kusina."


"Thank you Charm. But do you still need to do it? Kaya ko pa naman ang sarili ko."


"I insist at saka pagod ka pa."


"Charm is right." sang-ayon ni Santi. "Manood ka na lang din muna pre. Hayaan na muna natin si Missy Richards na pagsilbihan ka."


"Oh, don't start Santiago. Anyway, huwag niyo munang i-resume ang movie. Hintayin niyo ako. Mabilis lang ito.

*****


"What do you need?" galit na sagot ni Alden sa kanyang kapatid nang tumawag ito.


"Kuya." Bianca uttered softly. "I-i t-think I have something that might help."

"At ano na naman yan Bianca?"


"Di ba sinabi ko sa iyo na nakausap ko si Bea? May sinabi siya sa akin that might be relevant."


Mas lalong uminit ang ulo niya sa narinig. "Do you expect me to believe Bea?"


"Kuya." Bianca said, almost pleading. "I did not believe her neither. But I think, everything what she said makes sense."


Alden sighed. "What did she say?"


"She mentioned something about a violet card na ipinakita mo sa kanya. She said that she had seen it before. Kay Yumi niya daw nakita iyon kuya."


"Yumi?!" he shouted. "That's ridiculous! At nagawa pa niyang idamay si Yumi dito. She's sick Bianca. At ano naman ang kinalaman ni Yumi dito."


"I-i d-don't k-know Kuya." Bianca stuttered. "Habang iniisip ko kanina ay baka naman tama siya. Sina Yumi lang naman at Bea ang may alam kung ano ang naramdaman ko noong ikasal kayo ni Maine noon. And based on the messages I received, halatang kilalang-kilala ako ng sender. Si Yumi lang naman ang nakakakilala sa akin ng ganoon."


"At pati ikaw ay naniniwala sa baliw na babaeng iyon." matigas na wika ni Alden. "Hindi iyon magagawa ni Yumi. That's insane!"


"Pero kuya."


"Stop it Bianca. I am hanging up."

Ibinato ni Alden sa sofa ang cellphone. Si Harry na kasama niya sa owner's unit sa hotel ay nabibigla sa kanya.


"What did she say?" tanong nito.


"She is bringing Yumi into this." he replied, frustrated. "Naniniwala ang kapatid ko sa Beang iyon. They are accusing Yumi."


Harry sighed and looked at him in the eyes. "Do they have a basis? And why would they blame the woman?"


Ikinuwento ni Alden dito ang tungkol sa violet card. Bukod doon ay wala nang matibay na evidence na may kinalaman nga si Yumi.


"We should be skeptic during these times." muling komento ni Harry. "But we should be consider both sides. Maybe the card Bea saw was different or Yumi could also be the culprit."


Natahimik si Alden. He paused to think for a moment bago niya binalikan ang phone niya. She dialled Yumi's number. It was unattended!

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon