Forever 52

1K 74 15
                                    


Hi! hehe By far, the later chapters of this story are so full of exciting comments. Pardon me if I was not able to reply to any of the comments. Ayaw kong makaspoil. haha. Pero, huwag kayong mag-alala, inisa-isa kong binabasa ang bawat komento at natutuwa ako at the same time, natatawa. Thank you so much guys! Enjoy this another chapter :)


After his talk with Harry Kendrick, Alden evaluated his next step. He decided to visit and talk to Bea. Marami din siyang gustong malaman mula sa babae. Tama nga si Harry, malamang ay may alam din si Bea sa totoong nangyari kay Maine noon. May malakas siyang kutob na maaaring makatulong sa kanya sa paghahanap ng mga kasagutan.


He remembered the messages and cards he had been receiving ever since. Normal lang sa mga artista ang makatanggap ng mga mensahe at mga cards mula sa mga fans. But there was this particular sender who went beyond. Halos every week siya noon na nakakatanggap ng mga cards mula dito. At first, it was fine. Pero nang tumagal na ay nagsimula siyang mairita. Iba na kasi ang laman ng mga mensahe nito. She began professing her love to him. Unti-unti ay naramdaman niyang naging obsession na siya ng babaeng fan niya. Lahat ng mga social media accounts niya ay nakakatanggap ng parehong mga messages from a dummy and anonymous account. Hindi na lang niya pinansin ang mga iyon. It is better for him to do nothing but to ignore it. Pero mas lalong naging masugid iyon. Ang sumunod na nakatanggap ng mga messages ay ang personal number niya mismo. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang numero niya. Again, he ignored everything. Wala siyang pinagsabihan, even his wife then.


When Maine disappeared, the messages went deeper. Hindi na iyon obsession. Isa na iyong kabaliwan. Inaangkin na kasi siya ng anonymous na taong iyon. She is telling him that he was hers and hers alone. Maraming mga provocative and insane messages from the sender. At muli, binalewala lang niya ang mga iyon. Alam niya kasi na iyon ang pinakamandang remedy. Hindi niya ito na-block sa mga social media accounts niya. Hindi rin siya nagpalit ng numero. He totally ignored her.


Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa din siya ng mga mensahe. It only stopped when Bea was arrested. Iyon ang gusto niyang malaman mula kay Bea kung ito nga ang gumawa nun. He believed that Maine was not there during the crash years ago. Alam niyang may kumuha dito at pinahirapan and worse, gustong patayin. And the evidences suggest that Bea was the one who did everything.


*****


Kaharap na ngayon ni Alden si Bea dela Cruz. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa babaeng ito. She looked shocked at kanina pa ito hindi umiimik. Isang malaking pagtitimpi ang ginawa niya para hindi niya masaktan ang babae."Any word Bea?" he said with so much sarcasm.


Umiling si Bea na nag-iwas ng tingin. "Sir, kahit naman magsalita ako ay alam kong hindi niyo ako paniniwalaan."


Alden sighed. "Bakit mo ginawa iyon Bea?"


He waited for an answer but received nothing. Hindi umimik ang dalaga. "Paano mo nagawang patayin si Tracy?"


This time, napatingin sa kanya si Bea. Dahan-dahan itong nagsalita. Madiin ang bawat salitang lumabas sa mga bibig nito. "Hindi ko siya pinatay at kailanman ay hinding-hindi ko magagawa iyon."

 Yours Forever (COMPLETED)Where stories live. Discover now