Forever 23

1K 73 2
                                    


My mood did not permit mo to write another chapter. So, pagtiyagahan niyo muna ito. Hehe Thanks!


Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin umaalis si Alden sa Verdant Homes. Wala siyang balak na maglibot sa buong Sagada taliwas sa una niyang plano. Ang iba na ring guests na nakilala niya ay nagpaalam at nakaalis na. Ang mag-asawang sina Kester at Liyah kasama ang anak ng mga ito ay kakaalis lang kanina. Natapos na ang bakasyon ng mga ito. May ilang guests na rin ang nadagdag. Yet, two days have passed and he did not do anything but stay there and waiting for Kerry Anne to appear again. Pero hindi pa niya muling nakita pa ang babae. Nahihiya naman siya kay Tita Judith kung sasadyain niya si Kerry Anne sa kabilang bahay baka kung ano pa ang isipin nito.


Pinagkasya na lang niya ang sariling makipag-usap sa mga staffs ng bahay-bakasyunan. Nakilala rin niya sina Jectofer at Venus. Naging kaibigan niya rin ang mga tauhan ng mansion. Minsan ay tumutulong pa siya sa mga gawain doon.


"Sir, bakit hindi pa kayo lumalabas?" hindi mapigilang tanong sa kanya ni Venus nang datnan niya ang mga ito ni Jectofer sa baba. Umupo lang kasi siya sa couch at nagbasa ng daily paper.


Napangiti siya sa tanong nito. Pati rin siya mismo ay tinanong na niya ang sarili tungkol doon. "Wala pa akong gana. Ang gusto ko lang talaga ay magpahinga ng magpahinga."


"Ah, basta magsabi ka sa Amin Sir pag gusto mong mamasyal." sabi naman ni Jectofer. "Willing po kami na samahan ka at maging guide dito sa lugar namin."


"Sure." sagot niya na nakangiti. "Maybe tomorrow. Magliliwaliw na ako."


"Matutuwa kayo Sir dito sa amin. Marami talagang puwedeng pasyalan."


Pagkatapos niyang makipag-usap sa dalawang staffs ay lumabas siya at naglakad-lakad sa gilid ng swimming pool. The weather is good right now. Maganda ang sinag ng araw. Parang masarap maglunoy sa tubig ng swimming pool.


Muling nagbalik si Alden sa kanyang kuwarto at nagpalit ng shorts na puwede niyang gamitin sa pool. Kumuha na rin siya ng tuwalya at saka bumalik sa pool. He was right. The weather is really good for a swim time.


Nakakailang rounds na siya ng freestyle at backstroke when something, someone rather caught his eyes. Kerry Anne is walking towards Verdant. She is in her sexy shirt and shorts. Para itong modelo na naglalakad. Heidi Kluum and the Jenners' have nothing to say about this sexy hot mama!


Napansin niyang palapit na ito sa pool. Hindi pa yata siya nakikita ng babae dahil pakanta-kanta pa ito habang naglalakad sa gilid. Nang tumapat ito sa kanyang kinaroroonan ag sinadya niyang sumisid making violent stokes in his feet. The water splashed and he swear it reached Kerry Anne's place.


Mabilis siyang napatayo sa pool at nakita niyang basang-basa ang babae. Nakatingin ito sa kanyang kinaroroonan habang pinapagpag ang shirt nito na natamaan ng tubig. Mabilis siyang umahon at nilapitan ito. "I am sorry I don't know you are there."


His eyes turned to her wet shirt and he uttered a silent curse. Good good Lord! Bumakat ang basang suot nitong kamiseta sa katawan nito. Her shirt became a see-through. Napansin niyang wala itong suot na bra. Her shirt is kissing those full and perfect breasts!


Biglang siyang nakaramdam ng paninikip. Lahat ng klase ng mura ay talagang tumatakbo sa kanyang utak ngayon habang nakikita niya ang dahan-dahang pamumuo ng tent sa kanyang short. Oh boy! He is wearing nothing but a piece of small shorts. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa kanyang mukha nakatingin si Kerry Anne kung nagkataon ay baka napansin nito ang ginawa niyang pamumukol ibaba niya.


"Ok lang." mahina at matamis nitong wika. "Hindi ko rin napansin na may tao pala sa pool."


Tumango-tango siya at pilit na pinipigilan ang pagsaludo ng kanyang alaga. Napahugot na lang siya ng malalim na hininga nang magpaalam sa kanya si Kerry Anne.


"Babalik na lang ako sa bahay at magpalit. Ok lang ako Mr. Richards. Enjoy your swim." anito at saka tumalikod at bumalik sa pinaggalingan.


Siya naman ay kaagad na napatalon sa pool para maitago ang ginawa ng katawan niya na kahiya-hiya. He scolded himself for doing that! Sana ay hindi na lang niya sinadyang basahin ang babae. Buti na lang at hindi napatingin si Kerry Anne sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pag nagkataon ay patay siya ngayon. Bakit kasi nawawalan siya ng kontrol sa sarili pag malapit sa kanya si Kerry Anne. She has totally the same effect like Maine sa kanya.


Muli siyang umahon sa pool at nilapitan ang duyan na rattan kung saan niya iniwan ang tuwalya kanina. Nagpunas siya ng katawan at saka muling tumayo para bumalik sa kanyang kuwarto. Nagdesisyon na lang siyang lumabas para maiwala sa kanyang isip ang eksenang nangyari kanina.


*****


Si Kerry Anne ay nahahapong napaupo sa kama nang makarating siya sa silid nila ni Harry. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Kakaiba ang kanyang nararamdaman nang makita niyang umahon si Alden mula sa pool.


Kinapa niya ang kanyang dibdib para payapain ang mabilis na paglukso ng kanyang puso sa nakita niyang kahubdab ng guest nila. She never expected him to be at the pool at that moment. Marami na rin siyang nakita na mga guest na gumamit ng pool. Ang iba pa nga ay briefs lang ang suot pero hindi siya nakaramdam ng takot at kakaibang sensasyon na pumupukaw sa buong aspeto ng kanyang pagkababae.


Pilit niyang tinanggal sa kanyang isip ang nakita niyang eksena kanina. Tumayo na lang siya at saka nagpalit ng damit. Hindi na niya nagawang ituloy ang plano niya kanina na bisitahin ang rest house. Bumaba na lang siya at saka dumiretso sa hardin. Doon ay nagsimula niyang tanggalan ng tuyong dahon ang tanim ni Tita Judith.


 Yours Forever (COMPLETED)Where stories live. Discover now