FOREVER 11

1.1K 80 9
                                    

Nasa labas ng hotel si Charmaine habang hinihintay niya ang kanyang kaibigan. Naghihintay na rin siya paparating na taxi nang pumarada ang isang pamilyar na sasakyan. Bigla siyang kinabahan. Mabilis na napatingin siya sa plate number ng sasakyan. She was not mistaken. It was his father's. Anong ginagawa ng kanyang ama doon?

Bumukas ang pinto sa driver's side at nakangiting lumabas doon ang kanyang Daddy. Mas lalo siyang kinabahan nang umikot ito at binuksan ang pinto passenger's. Hindi siya kumurap hangga't hindi niya nakikita ang sakay nun. Hindi maaring babae iyon. Hindi pa pala talaga siya handa.

At mas lalo siyang nagulat nang makababa doon ang isang bata. No! Sumigaw ang kanyang isip. Hindi maari iyon! May kapatid siya na itinatago ng kanyang ama. At nas lalo siyang nawalan ng imik nang mapagsino ang batang iyon. It was the boy who lingers in her mind these past days. Makikita pa pala niya ito. At kasama pa nito ang kanyang Daddy.

Lumapit ang mga ito sa kanyang kinaroroonan pero hindi pa siya nakikita ng mga ito. May pinag-uusapan kasi ang dalawa na parehong ikinangiti ng mga ito.

"Dad." she uttered enough to be heard by the two. Nagulat ang dalawa nang siya ay masilayan.

"Sweetheart." nakangiting sambit ng kanyang ama nang ito ay matauhan. "Anong ginagawa mo rito?" Hinawakan nito ang kamay ng bata at inakay sa kanyang kinaroroonan.

"Kayo Dad? Anong ginagawa niyo dito?" pagbabalik niya sa tanong nito.

"Meet my new-found friend sweetheart." nakangiting sabi ni Alden.

"Friend?" kunot-noo niyang tanong at napatingin sa bata. Biglang nawala ang mga kaba niya kanina. So, mali ang kanyang hinala na kapatid niya pala ito.

"Yes. Sweetheart, this is Menard. And Menard, meet my beautiful daughter, Charmaine."

Hindi siya kaagad nakapagsalita nang makitang ngumiti ito. His smile resembled that of his father. At may dimple din ito.

"Hello po." magalang na bati ni Menard. "Sir Alden talks a lot about you."

Nang hindi siya sumagot ay sa kanyang Daddy bumaling si Menard. "You are right Sir. Your daughter is very beautiful katulad niyo rin na pogi. Artista din po ba siya?"

"Oh no." ani Alden na natatawa. "Hindi artista ang ate Charmaine mo. At isa pa, nag-aaral pa iyan. Kailangan niya munang matapos sa pag-aaral bago mag-artista kung ninanais man niya."

"Ah." Tumango-tango ang bata na tila naiintindihan talaga ang sinabi ni Alden. "Sige po Sir Alden. Pasok na po ako sa loob baka hinahanap na po ako. Salamat po muli dito sa binili niyo sa akin." Itinaas nito ang paper bag at saka sumaludo kay Alden. Nang tumango ang kanyang ama ay lumapit sa kanya si Menard. "Magandang araw po Maam Charmaine. Mauna na po ako sa loob."

Naiwan sila ng kanyang Daddy na pinapanood ang bata na pumasok sa loob ng hotel. Napansin nila na biglang natuwa ang receptionist nang makita nito si Menard.

"Saan mo siya nakita Daddy?" Binalikan niya ang kanyang ama nang mawala na ang bata sa kanilang paningin.

"Nakita ko siya sa kabila. Sa baba ng The Manor. He is looking at a lovely dress at tila gustong-gusto niyang bilhin iyon pero alam kong wala siyang dalang pera. Nilapitan ko siya and suggested to buy it for him." nakangiting kuwento ni Alden. Kakaiba ang mga ngiti nito. At lumiwanag ang mukha nito na kakikitaan ng sobrang kasiyahan.

"Dress?" Mas lalo siyang nagulahan. Aanhin ng isang bata ang isang bestida? "Saan niya gagamitin ang dress na sinasabi mo?"

Biglang tumawa ang kanyang Daddy. "I know what you are thinking darling. Menard is not like that. The dress is for his mother. Ang sabi niya kasi ay babagay ang damit na iyon sa kanyang ina. Gusto niya raw na iyon ang ibibigay niyang pasalubong sa kanyang ina pagkauwi niya sa kanila."

"Awww! That is so sweet of him, considering that he is too young to think like that. What's his age? Ten? Eleven?"

"No sweetheart, he's eight."

"Eight?! Ang bata niya naman. And he looks older. Malaki kasi siya para sa isang eight years old. At alam mo ba Dad? Siya yung sinasabi ni Maiden noon na batang nagugustuhan ko raw. At the age of eight, he's playing baseball Dad! Bakit siya hinahayaang maglaro ng ganoon kung napakabata pa pala niya."

"He told me that too honey. And they won in the CARAA. Siya ang pitcher. Can you believe that. Ikaw din mismo ang nagsabi na siya ang tinutukoy ni Maiden noon, nakita mo na siguro siyang maglaro."

"Yes Daddy. And he is powerful. Ang galing niya. But he's only eight."

"Hayaan na natin siya sweetie. Ano palang ginagawa mo dito?"

"I am waiting for Maiden. Dito nakacheck in ang kanyang boyfriend. Bakit ba ang tagal tagal nun?"

"Ok, let us wait for her." sabi ng kanyang Daddy. Sinundan niya ito nang pumunta ito sa kotse at sumandal sa bumper. Muling inatake ang kanyang utak ng pagdududa.

"Daddy, can I ask you something?"

"Yeah. Go ahead darling."

"Sure ba kayo na hindi ko talaga kapatid si Menard?"

Napalingon sa kanya si Alden na gulat na gulat. "Ano bang tanong iyan Charmaine? Of course, I am certain. Hindi mo siya kapatid. And you should know that very well. I've never been here since your mother died kaya paanong nagkaroon ako ng anak na hindi ko nalalaman."

"Sure kayo talaga? Well, you look similar. Kaya pala hindi ko siya makalimutan noon ay dahil kamukha mo siya Dad. Ngayon ko lang napagtanto iyo. You have the same smile and he has a dimple that is exactly the same as yours."

"Maging ako ay nagtataka sa bagay na iyan sweetheart. Pero coincidence lang ang lahat. Meron talagang mga tao na magkakamukha pero hindi naman talaga sila magkadugo. At para mawala ang pagdududa mo, Menard is the son of this hotel's owner."

Tumango-tango siya. That explains the commotion a while ago inside. "Kaya pala nagkakagulo kanina sa loob. Nampoproblema ang mga staff dahil may bata raw na nawawala. Well, I guess si Menard and you abducted him Daddy."

Natawa na rin lang si Alden. "That is too strong sweetie. Anyway, ibinalik ko naman siyang maayos. Ipinasyal ko lang. Maybe, he trusted me so much when I bought the dress this morning."

 Yours Forever (COMPLETED)Where stories live. Discover now