Forever 43

907 69 8
                                    


Ilang malalakas na katok ang narinig niya mula sa pintuan nang bumaba siya sa sala. Kanina pa tumutunog ang doorbell. Nang hindi niya iyon pinansin ay katok na naman sa pinto ngayon. She checked her clock and knotted her forehead nang makita niyang dis-oras na iyon ng gabi. Sino kaya ang kakatok sa kanya sa ganoong oras ng gabi? Day-off pa man din ng kasambahay niya kaya napilitan siyang bumaba para malaman kung sino ang naparoon.


Pagbukas niya nang pintuan ay nagulat siya nang mamukhaan niya ang bisita. Nakasuot ito ng itim na hoodie na halos matakpan na ang mukha. "Anong kailangan mo?"


"Isang kang malanding babae!" sabi ng bisita at itinulak siya. Tumuloy-tuloy ito sa loob pagkatapos ay nilock muli ang pintuan. Tinanggal nito ang suot na hoodie jacket. Tumambad ang galit na galit na mukha nito. When she saw her eyes, she saw death. Ibang-iba iyon sa palagi niyang nakikita.


"Anong ginagawa mo?!" pagalit na singhal niya dito sa kabila ng nerbiyos na nararamdaman niya.


"Ano sa tingin mo?" Lumapit ito na nakangisi at sinampal siya nang napakalakas. Nang subukan niyang bumawi ay nahuli nito ang kanyang kamay at isang suntok ang pinakawalan nito sa kanyang sikmura. Lugmok siya sa sahig sa matinding puwersa.



"Yan ang nararapat sa iyong malandi ka!" galit na galit nitong wika. Lumuhod ito at hinuli ang kanyang buhok. She held her hair sa paraang halos mapunit ang anit niya. "Napakalandi mo. At balak mo pa talagang agawin si Alden sa aking hitad ka!"


Ibinagsak nito sa sahig ang ulo niya. Nahilo siya nang sobra sa ginawa nito. Gusto man niyang sumigaw ay hindi niya magawa dahil napuruhan ng husto ang kanyang tiyan.


Lumayo ang kanyang bisita at naupo sa sofa. "Alam mo Tracy, nakakatakot akong kalaban. Lahat ng sinumang gusting umagaw kay Alden ko ay pinapatay ko."


Mas lalong kinabahan si Tracy sa narinig. Napansin niya na ibang-iba ang anyo nito. Para itong baliw. She looked like a criminal.


"Gaya ng Maine Mendoza na iyon. Don't you know that I killed her?" she laughed maniacally. "Nagtiis ako nang magpakasal sila ni Alden ko. Naghintay ako na hiwalayan siya ni Alden pero nainip akong maghintay kaya ako na ang gumawa ng paraan. Ipinapatay ko siya. I thought magiging masaya na kami ni Alden pero humadlang ka. Kaya ikaw ang isusunod ko. Pagkatapos mo ay sigurado ako na kami na rin ni Alden ang magkakatuluyan."


"N-nagkakamali ka." ani Tracy sa kanila ng takot sa mga nalaman. "Wala kaming relasyon ni Alden. Ayaw niya sa akin."


"Sa tingin mo ba bulag ako!" bulyaw nito na muling napatayo at sinipa-sipa siya. "Kahit sabihin mong walang gusto si Alden sa iyo ay hindi ka makakaligtas sa katotohanang gusto mo siyang agawin sa akin."


Nagalit na rin si Tracy sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay papatayin pa din siya ng baliw na babae na ito. "You're pathetic! Kahit anong gawin mo. Kahit ilang tao pa ang patayin mo, hindi mapapasaiyo si Alden. Si Maine pa din ang mahal niya!"


"That's not true." wika ng babae. "That's not true!"


 Yours Forever (COMPLETED)Where stories live. Discover now